NABIGLA ang Unkabogable Star na si Vice Ganda nang bigla na lamang siyang dumugin ng mga tao habang bumibili siya ng ihaw-ihaw sa isang lugar sa Cebu.
Ito ay ibinahagi niya sa kanyang TikTok video noong Agosto 15.
“Yung gusto mo lang naman mag-isaw pero lahat gusto sumama. Thank you Cebu!” saad ni Vice.
Makikita rin sa naturang TikTok video na pabirong hinahawi ng kanyang kaibigan na si MC Muah ang mga taong pumupunta palapit sa “It’s Showtime” host na talagang kapansin-pansin pa rin ang pagiging fresh kahit na nauusukan na ng mga binebentang ihaw-ihaw sa lugar.
Hindi naman na kataka-takang maraming mga tao ang nais masilayan si Vice dahil isa naman siya sa mga hinahangaang personalidad sa panahon ngayon.
Siguro ay nangyari ito nang magbakasyon si Vice kasama ang pamilya at ilang kaibigan sa Bohol at Cebu.
Matatandaang nagkaroon ng magkahiwalay na bakasyon ang Unkabogable star at ang asawa nito na si Ion Perez na tumagal ng anim na araw.
At sa isa ngang episode ng “It’s Showtime” ay ikinuwento niya na dumating sa puntong umiiyak siya sa gabi dahil miss na niya ang asawa lalo na’t iyon ang pinakamatagal na nagkahiwalay sila simula nang magsama sila sa iisang bahay noong 2020.
@unkabogableviceganda Love you Cebu! #fyp ♬ original sound – Vice Ganda
Kwento ni Vice, “Umiiyak na nga ako sa gabi. Magmula kasi noong pandemic ‘diba nagsama kami sa bahay tapos hindi na kami nagkaroon ng time na maghiwalay ng matagal.
“Pinakamatagal naming hiwalay three days, kunwari mayroon akong raket, siya pupunta ng Tarlac. Pero yung six straight days, alam naming malayo, first time yun.”
At noong mga panahong magkahiwalay sila Vice at Ion na nagbabakasyon ay maraming intriga ang lumabas at isa na nga roon ang isyung hiwalay na sila.
Pero nilinaw naman niya nawalang katotohanan ang kumakalat na tsismis na hiwalay na sila.
“Masaya kami. Huwag kayong gumagawa ng mga ano, mga chismosa kayo! Hiwalay na daw kami ni Ion?” natatawang sey ni Vice.
Related Chika:
Vice Ganda binawasan ang talent fee sa ‘It’s Showtime’: Yun ang pinakamalaking sakripisyo niya!
Pag-iibigan nina Vice Ganda, Ion Perez paano nga ba nagsimula?
Beatrice Gomez ng Cebu City, wagi bilang Miss Universe Philippines 2021