Payo ni Vilma kina Luis at Jessy kapag isinilang na ang apo: Siguradong maiiba ang buhay nila kaya i-prepare na nila ang kanilang mga sarili | Bandera

Payo ni Vilma kina Luis at Jessy kapag isinilang na ang apo: Siguradong maiiba ang buhay nila kaya i-prepare na nila ang kanilang mga sarili

Ervin Santiago |August 23,2022
facebook
share this

Payo ni Vilma kina Luis at Jessy kapag isinilang na ang apo: Siguradong maiiba ang buhay nila kaya i-prepare na nila ang kanilang mga sarili

Ervin Santiago - August 23, 2022 - 08:01 AM

Luis Manzano, Vilma Santos at Jessy Mendiola

TULAD ng inaasahan, super excited na rin ang Star for All Seasons na si Vilma Santos sa kauna-unahan niyang apo kay Luis Manzano at sa asawa nitong si Jessy Mendiola.

Matagal nang hinihintay ni Ate Vi ang magiging apo kay Luis at ngayong malapit na nga siyang maging lola, magkahalong happiness at excitement ang kanyang nararamdaman.

Aniya, halos maiyak daw siya nang ibalita sa kanya nina Luis at Jessy na magiging lola na siya noong nagdaang Mother’s Day (May), “They were greeting me for Mother’s Day. Sabi nila, ‘Happy Mother’s Day! Happy Mother’s Day!’ May get-together dito ang pamilya.

“Sabi ni Lucky sa akin, ‘Mom, di mo ba siya babatiin?’ Sabi ko, ‘Happy Mother’s Day!’

“Sabi niya, ‘Batiin mo na. Sabi ko, ‘Bakit?’ Sabi niya, ‘Batiin mo na.’ Sabi ko, ‘Anak naman!’ Sabi niya, ‘Hindi, batiin mo na yung mother.’

View this post on Instagram

A post shared by Jessy Mendiola – Manzano (@senorita_jessy)


“Yun talagang maiyak-iyak ako, ‘Totoo ba? Totoo ba? Oh my god!’ Halos maiyak ako na hindi ako makapaniwala. Jusko, sa tagal-tagal kong hinintay yung talagang apo, ngayon mayroon na. I’m looking forward kay Peanut (ang nickname ng kanyang magiging apo),” kuwento ni Ate Vi sa isang panayam.

Nagbigay din ng pieces of advice ang award-winning veteran actress kina Luis at Jessy ngayong magiging magulang na rin sila.

“Maiiba ang buhay nila, e. Kasi you wouldn’t know as a mom, kahit ano ang sabihin mo, ‘Naku, alam mo pag naging nanay ka na ganito mangyayari sa iyo.’

“Alam mo, you wouldn’t know until ikaw mismo makakita na mayroong buhay na nanggaling sa iyo, na dun mo lang mare-realize na kaya mong ipagpalit ang buhay mo para sa mga anak mo.

“Definitely kapag lumabas na si Peanut, maiiba more or less next step ang status ng buhay nila as family. Kahit papaano may mga priorities sila na maiiba, and I told them to prepare for that.

“Iba na pag nandiyan na ang baby kaya kailangan it’s more understanding. Ang thinking nila it’s more of, ikaw, ako, hindi na, family na ang tingin mo dito. It’s not only you’re my wife, you’re my husband; you’re a mom, and you’re a dad, you’re a father.

“Maiiba sigurado ang buhay nila. So, kailangan as early as this, i-prepare na nila ang sarili nila para sa maganda.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“More on positive kaya lang holistic na yung approach niyan. Family na ang tingin diyan, hindi na iyan man and wife, hindi na. Family na ang tingin diyan,” sey pa ni Ate Vi sa nasabing panayam.

Vilma 60 years na sa showbiz: Imortal na ang Dyesebel at Darna na everytime pag-uusapan ‘yun, mababanggit ako…

Jessy nakiusap sa haters: Sana ‘wag nating i-crucify ang isang tao dahil lang mali yung sinabi niya

Luis hindi pipiliting magbuntis si Jessy kung ayaw: Sobrang nirerespeto ko ang mga babae

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending