Shaina naglabas ng ebidensya kung gaano ka-intense ang mga eksena sa ‘Probinsyano’, mukha napuruhan sa rape scene
PINATUNAYAN ni Shaina Magdayao kung gaano ka-intense at kadelikado ang mga eksena nila sa nagtapos na action-drama series ni Coco Martin na “FPJ’s Ang Probinsyano”.
Dalawang linggo matapos ipalabas ang finale episode ng longest Kapamilya primetime serye ng ABS-CBN, nagbahagi si Shaina ng ilang BTS o behind-the-scenes photos na kuha sa isang eksena niya sa serye.
Isa na nga rito ang litrato niya na kuha matapos niyang gawin ang kanyang rape scene at pagkamatay bilang si Roxanne.
Sa Instagram, ibinahagi nga ni Shaina ang kabuuan ng nasabing eksena kung saan makikita ang mukha niya na pulang-pula. Aniya, sa sobrang intense ng nasabing rape at death scene, nagresulta ito sa “popping of my blood vessels on the face.”
Gamit ang ang hashtag na #ILoveMyJob, sinabi ni Shaina na, “My face has fully recovered now, don’t you guys worry.” Siniguro rin niya na hindi siya pinabayaan ng production habang kinukunan ang kanyang mga buwis-buhay na eksena.
Kasunod nito, binanggit din ng aktres si Raymond Bagatsing na gumanap bilang si Lucio na siyang nang-rape kay Roxanne. Pinasalamatan niya ang premyadong aktor, “for being so professional and gentle with me while doing this sensitive scene.”
“Mukha lang pong intense but he did not hurt me, at all. Promise,” aniya pa.
Pinasalamatan din niya ang kanyang “kuya” at screen partner na si Raymart Santiago na gumanap naman bilang si Victor, “for being so generous with your reactions/talent and energy!”
“Isa ka na talagang Dramatic Falling Action Star. Naks! The magic of our directors, camera angles, make up, and set-up really helped our acting too!” aniya pa.
View this post on Instagram
“Kaya salamat po for appreciating our work and for making us trend too. Sulit ang pagod, pawis, puyat, luha dahil sa inyo!” ang mensahe pa ni Shaina sa madlang pipol.
Samantala, sa isa pa niyang IG post, inalala ni Shaina ang dalawang taong journey niya sa “Ang Probinsyano” kasama ang buong production na itinuturing na niyang pamilya.
Sa litrato niyang nakatingin sa isang krus, “Panginoon, maraming salamat po sa napakagandang blessing na ito, ang show ng #FPJsAngProbinsyano at ang mga tao na bumubuo nito na matatawag kong isang #pamilya.
“Lorld, during the pandemic, when the rest of the world was going through so much ‘lack,’ You have handpicked each and every person behind this show and you have blessed us with ‘abundance’ —opportunities to earn through this job we all love to do, use our God given talents to express ourselves and serve our mother network ABS-CBN and the Filipino viewers,” pahayag pa ni Shaina.
https://bandera.inquirer.net/306665/shaina-2-buwan-lang-sana-sa-ang-probinsyano-pero-hindi-na-tinanggal-ni-coco
https://bandera.inquirer.net/312700/shaina-magdayao-ibinandera-ang-pagiging-kakampink-bakit-nadamay-si-toni-gonzaga
https://bandera.inquirer.net/295792/piolo-shaina-magdyowa-na-raw-sweet-na-sweet-sa-bohol-naka-double-date-sina-jodi-at-raymart
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.