Arnold Clavio emosyonal sa pagpanaw ng taong nagbigay-boses kay Arn-arn: Parang may part of me na nawala... | Bandera

Arnold Clavio emosyonal sa pagpanaw ng taong nagbigay-boses kay Arn-arn: Parang may part of me na nawala…

Ervin Santiago - August 20, 2022 - 07:36 AM

Arn-arn, Totong Federez at Arnold Clavio

BINIGYAN ng tribute ng Kapuso news anchor at TV host na si Arnold Clavio ang pumanaw niyang kaibigan na si Danilo “Totong” Federez.

Si Totong ang nagbigay-boses sa puppet na si Arn-arn na unang nakilala ng manonood sa Kapuso morning show na “Unang Hirit” na sumakabilang-buhay nitong nagdaang Miyerkules, August 17.

Sa kanyang Instagram account, isang mahabang mensahe ng pakikiramay ang ibinahagi ni Igan para sa namatay niyang kaibigan kalakip ang litrato nila ni Totong.

“When I heard the sad news ng pagyao ni Danilo Federez o ‘Totong’ sa kanyang mga kaibigan, noong Miyerkules ng umaga, parang may part of me na nawala.

View this post on Instagram

A post shared by AkosiiGan😎 (@akosiigan)


“Ayon sa kanyang asawa na si Marissa, alas-4:45 ng madaling araw nang iwan niyang mahimbing na natutulog si ‘Totong’. Pagbalik niya sa kuwarto para gisingin, napakalamig na ng kanyang katawan at hindi na humihinga,” panimulang pagbabahagi ng news anchor.

Pagpapatuloy niya, “Si ‘Totong’ ang kaluluwa ni Arnarn … Ang kanyang kanang braso ang nagpapagalaw sa kanyang bibig sa tuwing magsasalita.

“Hindi biro ang trabaho ni Totong bilang ‘puppeteer’. Ilang oras din siyang nakaluhod pero walang reklamo…Napaka-professional ni ‘Totong’ sa pagbibigay ng saya sa umaga sa loob dalawang dekada.

“Saksi ako kung paano inalagaan at iningatan ni Totong si Arnarn na parang tunay niyang anak … Galit siya pag nakikitang pinaglalaruan si Arnarn … He treated Arnarn na tila buhay na nilalang … May respeto maging sa pagpapalit nito ng damit kapag may shoot kami ng OBB,” aniya pa.

Inalala rin ni Arnold ang pagdalaw niya noon sa tahanan ni Totong, “When I visited him sa bahay niya noong November 2019, para sa show ni Jessica Soho (KMJS) , sobrang lungkot niya. Matagal din kaming hindi nagkita dahil sa kanyang matagal na pagkaka-confine sa ospital.

“Malaki na ang pagbabago sa kanyang kalusugan … Maging sa kanyang kilos at paggalaw … Sinadya kong itago ang pagkagulat at kumilos ng normal sa aming pag-uusap.

“He convinced me na handa na siya at kaya na niyang bumalik sa Unang Hirit … Sabi ko , oras na bigyan siya ng clearance ng doktor niya, agad-agad ay makakababalik siya.

“Pero alam kong malabo nang mangyari yun … At that time, nakita ko na ang blangkong pagtingin sa mga mata niya at naramdaman ko rin ang labis niyang pagkalungkot.

“Nagpaalam ako sa kanya na may pilit na ngiti dahil sa bigat ng kanyang situwasyon. Si ‘Totong’ ay parang ‘Kuya’ ko na hindi ako nagkaroon … Sa mga pagsubok , siya ang aking tagapagtanggol,” mensahe pa ni Arnold.

Sa huli, nabanggit din ni Igan ang pamamaalam ng kanyang sidekick na puppet, “Para kay Arn-arn, siya ay bahagi na lang ng alaala. Hindi buhay, hindi rin patay. Isang ulila na nilisan na ng kanyang ama.

“Paalam ‘Totong’. Nasa mabuti ka nang kalagayan sa piling ng ating Amang lumikha. Isang maligayang paglalakbay,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/321730/totong-federez-ang-boses-sa-likod-ni-arn-arn-pumanaw-na-igan-unang-hirit-family-nagluluksa-medyo-nabigla-kaming-lahat
https://bandera.inquirer.net/304088/arnold-clavio-sa-paggamit-ni-manny-villar-sa-abs-cbn-frequency-anong-tawag-sa-viewers-nila-ka-mella
https://bandera.inquirer.net/303143/sa-mga-umaasa-na-ako-ay-lumala-at-tuluyang-mamatay-panalangin-po-ang-aking-alay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending