Pwede nga bang maging magdyowa sa tunay na buhay sina Jake Ejercito at Ivana Alawi? | Bandera

Pwede nga bang maging magdyowa sa tunay na buhay sina Jake Ejercito at Ivana Alawi?

Reggee Bonoan |August 18,2022
facebook
share this

Pwede nga bang maging magdyowa sa tunay na buhay sina Jake Ejercito at Ivana Alawi?

Reggee Bonoan - August 18, 2022 - 02:41 PM

Sam Milby, Ivana Alawi, Gerald Anderson at Jake Ejercito

“NICE talking, ano gusto mo Starbucks?” ang sent message ni Jake Ejercito sa co-actor niya sa “A Family Affair” na si Ivana Alawi na ini-screenshot niya at saka ipinost sa IG story.

Lock-in shoot kasi ang serye at off-camera ay masaya ang bonding ng cast ng “A Family Affair” sa pangunguna nina Ivana, Jake, Sam Milby, Jameson Blake, Rans Rifol, Aya Fernandez at Gerald Anderson.

Base naman sa kuwento ng serye ay close si Ivana bilang si Cherry Red kay Jake bilang si Seb at kabiruan niya ito dahil ang aktor ang walang isyu sa kanilang magkakapatid pagdating sa mana at gusto nito ng simpleng buhay lang.

Ang mga eksena siguro nina Ivana at Jake ay nadadala nila off-camera at kuwentuhan tungkol sa buhay-buhay kaya siguro nabanggit ng aktor ang, “nice talking.”

At bilang friendly gesture ay nagtanong kung anong gusto ng aktres na maiinom at dito pumasok ang tanong kung gusto nito ng kape.

Pero ang isinagot lang ng dalaga ay funny picture na hindi namin alam kung gusto o nagpapa-cute kay Jake. Posible ring nahiya siyang tumanggi pero kailangan niyang gawin dahil baka may magalit on her part?

View this post on Instagram

A post shared by Ivana Alawi (@ivanaalawi)


Kaya namin ito nabanggit ay posibleng sitahin o pagmulan ng hindi pagkakaunawaan sa parte ni Ivana ang umano’y boyfriend niya.

Hanggang ngayon kasi ay marami pa ring kuwento ang aming source tungkol kay Ivana at sa boyfriend nito na ipinagtataka namin kung bakit hindi pa siya umaamin, e, single naman siya at sa tingin namin ay wala naman silang masasagasaan nu’ng guy.

At kung tungkol sa boyfriend niya ay parang wala rin namang hadlang dahil single rin ito sa pagkakaalam ng lahat.

Since close sina Jake at Ivana at base sa bonding moments nila ay posibleng nagkuwento na ang aktres ng buhay niya.

For sure safe siya sa aktor dahil hindi naman ito madaldal at higit sa lahat hindi magte-take advantage dahil sagot nga nito sa tanong namin kung kailan siya magkakaroon ng sarili niyang “family affair” ay sinagot kami ng, “I don’t think about it. I’m okay with where I am now. I’m content with Ellie, so not in the near future.”

Sa madaling salita, walang planong magkipagrelasyon ngayon si Jake.

Samantala, ang ganda na ng umeereng kuwento ng “A Family Affair” dahil malapit nang malaman ni Ivana as Cherry Red kung sino ang pumatay sa kanyang tatay Panyong played by Lito Pimentel base sa teaser kung saan nagalit siya kina Sam at Gerald at sinabing matagal na siyang niloloko.

https://bandera.inquirer.net/316592/jake-ejercito-nagpaka-daring-din-sa-a-family-affair-mas-kampante-ako-ngayon-mas-nakakapaglaro-na-ako-sa-set

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/316890/ivana-alawi-aminadong-nahirapan-sa-drama-scenes-sa-a-family-affair-kapag-umiiyak-ako-yung-pabebe-lang
https://bandera.inquirer.net/315400/ivana-umaming-may-iniwang-karelasyon-kahit-mahal-na-mahal-pa-niya-hindi-naman-tama-na-magpaloko-ako-nang-magpaloko

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending