Camille Prats may babala sa netizens ukol sa ‘ineendorsong’ produkto: This is a scam

Camille Prats may babala sa netizens ukol sa 'ineendorsong' produkto: This is a scam

NAGPAALALA ang TV host-actress na si Camille Prats ukol sa isang produkto na gumagamit sa kanyang pangalan at larawan ng kanyang pamilya.

Nakarating kasi sa kanya ang reklamo ng isang kaibigan na nakakita ng cereals na diumano’y iniendorso ng kanyang pamilya kaya nahikayat ito na bumili.

Kaya naman nilinaw ni Camille na wala silang kaugnayan sa produkto at hindi rin nila ito ine-endorso.

Sa kanyang social media accounts ay binigyan niya ng babala ang mga tao ukol sa kumakalat na produkto online kalakip na rin ng screenshot ng nakarating na reklamo sa kanya.

“I have been getting alot of messages about this photo of our family endorsing some snacks and cereals. Guys, THIS IS A SCAM,” diretsahang sabi ni Camille.

Paglilinaw niya, “We are not endorsing such products. Our collabs with brands are ONLY posted on my official social media platforms and nowhere else.”

Ani Camille, nai-report na raw nila ang naturang post pero patuloy pa rin ang paggawa ng bago ng mga scammers.

Nag-comment naman sa kanyang posts sina Iya Villania at Lovely Abella.

“Grabe sila!” saad ni Iya.

Sey naman ni Lovely, “Ate lahat ng artista ginagamit nila.”

Maski ang mga netizens na nabiktima ng naturang shop ay hindi rin napigilan na mag-comment sa post niya.

“Been a victim of this Kohayo Cereals just this week. July and Aug din naka indicate sa pack but not sure if its the expiry or production date, I have 6 packs in total of this snacks!” comment ng isang netizen.

Sabi pa ng is, “I actually purchased it kasi pag click ko mag autofill agad ang details then mah out agad tapos walang ibang mode of payment kundi COD lang. Tapos mali ko kasi huli ko na na check at nakita ko na scam.Ginawa ko nung nag message ang j and t na may delivery ako yung mag dedeliver nag message ako sa kanya at sinabi ko na kung pwede ba na wag nalang nya i deliver tapos sabi nya i message ko daw sya na cancel order kasi nasa warehouse pa daw ang product kaya ayun di na sya na deliver laking pasalamat ko kay kuya sa j and t ang bait pa nya.”

Kaya naman muling nagpaalala si Camille na maging maingat at i-check maigi ang binibilhan.

Sey niya, “Please report if you come across it. Always check if the account is verified before clicking/ purchasing. Let’s all be vigilant in posts like these. Madami ng magaling mag edit at mangbudol.”

Related Chika:
Carla Abellana kakasuhan ang brand na gumagamit sa kanya: This is false advertisement!

Kuya Kim nag-comment sa post ni Camille; may patutsada kaya sa ‘It’s Showtime’?

Angelica Panganiban, Camille Prats binalikan ang ‘traumatic’ experience noong teenagers pa sa showbiz

Read more...