Mark Anthony sa chikang nakabuntis ng lady guard: Hindi totoo 'yun, nagpa-picture lang sa akin kaya napagkamalan | Bandera

Mark Anthony sa chikang nakabuntis ng lady guard: Hindi totoo ‘yun, nagpa-picture lang sa akin kaya napagkamalan

Ervin Santiago - August 17, 2022 - 07:54 AM

Mark Anthony Fernandez

MARIING itinanggi ng Vivamax actor na si Mark Anthony Fernandez na nakabuntis siya ng isang lady guard noong nakulong siya sa San Fernando Pampanga.

Isa lamang ito sa ginawang paglilinaw ng dating matinee idol sa ilang isyu at kontrobersiyang kinasangkutan niya nitong mga nagdaang taon.

Sa YouTube vlog ng talent manager at vlogger na si Ogie Diaz, nagkuwento si Mark kung ano na ang buhay niya ngayong mag-isa na lang siyang naninirahan sa Angeles, Pampanga, matapos mahiwalay sa huling karelasyon. Nangungupahan lang daw siya ngayon doon.

Kuwento ni Mark, abala siya sa pagdyi-gym at pagba-basketball kapag walang shooting o taping. Ipinagdiinan din niya na matagal na siyang tumigil sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot.

“Wala nang ganu’n. Matagal nang walang ganu’n. Pero adhikain like ‘yung sa weed, part ako na i-legalize ‘yung weed. Pero other than that, beer lang,” pahayag ni Mark Anthony.

Taong 2016 nang bumandera sa mga headline ang pagkakakulong ng aktor sa San Fernando, Pampanga matapos mahulihan ng marijuana sa isang police checkpoint.

“Pero parang marami ang nagsabi sa akin ‘yung naging kaso ko noon ay naging eye-opener din siya to legalize weed. Marami ang gustong i-legalize na ang weed after nu’n,” sabi ni Mark.

At tungkol nga sa chikang nakabuntis daw siya ng isang lady guard, “Hindi totoo ‘yon. Nagpa-picture sa akin buntis, napagkamalan. Eh, ang dami nu’n, kumbaga ang daming tao noon.”

Natanong din ni Ogie ang aktor tungkol sa lima niyang anak, kabilang na riyan ang Kapamilya young actor na si Grae Fernandez, na anak nila ng dati niyang asawa na si Melissa Garcia.

“May 22-year-old na akong anak, tapos si Grae Fernandez, adult na rin siya, pero parang kapatid ko lang. ‘Yung iba baby pa: dalawang 7 at isang 6.

“Hindi naman po sa ginusto ko maging pilyo. Nagmumukha lang pilyo pero mas nasawi, lonely hearts club,” sabi pa ng aktor.

Nagpapasalamat din siya sa mga nanay ng kanyang mga anak dahil pumayag ang mga ito na magbibigay siya ng sustento basta kaya. Pero in fairness, tatlo raw sa kanyang mga anak ay nabigyan na niya na ng bahay.

“Buti na lang nagkasundo kami sa kasunduan na kapag mayroon ako ay doon ako magbibigay, lalo na kapag may marami.

“Sa mga anak ko, mahal na mahal ko kayo. Babawi ako sa inyo sa oras na may pagkakataon ako na makabawi ng kabutihan. Nagkaganito lang, maiintindihan niyo paglaki niyo. ‘Yung mga ginawa kong bagay para rin sa inyo,” mensahe ni Mark sa mga anak.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/302751/mark-umaming-love-pa-rin-si-claudine-bet-uling-manligaw-hindi-pa-naman-huli-ang-lahat
https://bandera.inquirer.net/299382/rebelasyon-piolo-aga-parehong-naging-jowa-ni-pops
https://bandera.inquirer.net/304974/payo-ni-mark-anthony-kay-grae-huwag-magpapatalo-sa-babae-baka-inaalipin-o-ginagamit-lang-siya

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending