Coco sinagot kung posible pang magkaroon ng 'next chapter' ang 'Probinsyano' o matutuloy na ang 'Batang Quiapo' nila ni Julia | Bandera

Coco sinagot kung posible pang magkaroon ng ‘next chapter’ ang ‘Probinsyano’ o matutuloy na ang ‘Batang Quiapo’ nila ni Julia

Ervin Santiago - August 16, 2022 - 04:26 PM

Coco Martin at Julia Montes

MARAMI ang nagtatanong sa amin kung posible pa kayang magkaroon ng next chapter ang Kapamilya hit primetime series na “FPJ’s Ang Probinsyano” ni Coco Martin?

Nagtapos na nga last Friday ang kuwento ni Cardo Dalisay (Coco) makalipas ang halos pitong taon sa ABS-CBN at in fairness talagang gumawa pa rin ito ng kasaysayan sa mundo ng telebisyon at iba pang platforms hanggang sa finale episode.

Iba’t iba man ang naging reaksyon ng mga manonood, iisa lang ang tanong ng madlang pipol, may posibilidad pa kayang mapanood muli si Coco bilang si Cardo Dalisay na naging Pambansang Bayani na sa telebisyon ng milyun-milyong fans ng “Ang Probinsyano.”

Sa panayam ng “TV Patrol” kahapon, August 15, natanong si Coco kung magbabalik pa ba ang “Probinsyano” sa TV o pelikula o matutuloy na ang napapabalita noon na gagawin nila ni Julia Montes ang remake ng isa pang Fernando Poe Jr. classic na “Batang Quiapo” kung saan nakasama ng Action King si Diamond Star Maricel Soriano.

“Honestly, hindi ko pa alam. Ayaw pa akong gambalain ng mga boss eh, or pag-usapan o pag-meetingan.

“Siguro after ng mga tour, ng mga mall shows, dahil meron pa kaming US tour, saka namin pag-uusapan kung ano ‘yung next,” pahayag ni Coco.

Aniya pa, “Actually, hindi ko pa alam. Honestly, nakarating na sa akin ‘yun. Pero, para sa akin, management ang magdedesisyon. Kasi, para sa akin, basta kung ano sa alam ko ‘yung makakapagpasaya sa mga manonood.”

View this post on Instagram

A post shared by Coco Martin PH (@cocomartin_ph)


Samantala, naibahagi rin ni Coco sa madlang pipol ang nararamdaman niya ngayong nagpaalam na nga sa ere ang kanilang serye na tumagal ng pitong taon.

“Parang kaming mga OFW dahil minsan isang buwan, dalawang buwan, tatlong buwan magkakasama kami tapos walang uwian.

“Tapos suddenly, after seven years, matagal ulit bago kami magkita-kita o kung magkakasama sa mga projects.

“Kasi hindi basta isang trabaho o isang soap opera ‘yung ginawa namin eh. Parang sabi ko nga, masyado naming dinibdib,” sabi ng Teleserye King.

Sabi pa niya sa naging ending ng serye, “Pinag-aralan talaga namin. Kasi sabi nga namin, hindi namin sila bibigyan ng ordinary show na alam mo na o predictable na kung pano matatapos, alam mo na ang mangyayari.

“Kasi ‘di ba kadalasan kapag gumagawa tayo ng mga soap opera, alam naman natin ‘yun gusto natin lagi masaya. Laging happy ending,” sabi pa ni Coco.
https://bandera.inquirer.net/297852/coco-hindi-nakatulog-kakaisip-sa-role-ni-mega-sa-ang-probinsyano

https://bandera.inquirer.net/290873/hindi-mawawala-sa-ere-ang-pepito-manaloto-at-hindi-rin-ako-lilipat-ng-network

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/294299/banat-ni-cristy-fermin-kay-kuya-kim-kapag-hindi-kayang-panindigan-wag-magsalita
https://bandera.inquirer.net/290873/hindi-mawawala-sa-ere-ang-pepito-manaloto-at-hindi-rin-ako-lilipat-ng-network

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending