INAMIN ng vlogger-comedienne turned beauty queen na si Herlene Budol na hindi niya agad narinig ang tanong sa kanya sa Binibining Pilipinas.
Sa interview niya kay Toni Gonzaga, ibinahagi niya ang kwento ng kanyang karanasan noong sumabak siya sa question and answer portion ng beauty pageant.
Pagkukwento ni Herlene, hindi niya agad naunawaan ang tanong at kung sakali ay magiging waley ang kanyang sagot kung hindi ito inulit.
“Akala ko po talaga transportasyon ‘yun,” saad ng dalaga nang marinig raw nito ang tanong.
Inusisa naman ni Toni kung ano ang tumakbo sa isip ng dalaga nooong narinig nito ang tanong.
“Kukuha ka lang po ng isang key word at yung key word na ‘yun mali pa pala po yung pagkakaintindi ko,” sagot ni Herlene.
Dagdag pa niya, “Di ba magkahawig lang naman po?”
Nakadagdag pa raw ang ingay ng audience kaya hindi niya agad na-gets at narinig nang maayos ang question niya.
Kaya naman ang laki ng pasasalamat ni Herlene sa napili niyang hurado na si Cecilio Asuncion dahil sa pag-ulit nito ng tanong sa kanya at pag-salin nito sa wikang Filipino kaya mas naintindihan niya ang mga tanong nito.
Kung sakali naman daw ay ready siya sa isasagot at sasabihing “For the traffic ang Philippines”.
Natawa naman si Toni at sinabing mabuti na lamang daw at inulit ang tanong.
Chika ni Herlene, “Kapag nandoon ka po pala, lahat ng pinag-training-an n’yo, lahat ng pinaghirapan n’yong araw-araw kayong nag-i-stretch ng utak n’yo, hindi lalabas ng araw na iyon.”
Curious na tanong ni Toni, “So anong lumabas sa ‘yo noong araw na ‘yun?”
“Ito po,” sabay turo ng kanyang puso. “Ito po talaga… Wala akong ibang isasagot kundi ‘yung istorya ng buhay ko at isang karangalan po na makatuntong ako bilang candidate ng Binibining Pilipinas.”
Aniya, bilang binibini na hindi inaasahan masarap daw pala sa pakiramdam ang mangarap.
Ibinahagi rin niya ang kanyang naging sagot noong Binibining Pilipinas 2022 coronation night.
“At ang aking transpormasyon ay magbigay ng inspirasyon. Because I know for myself that I am beautiful, that I am uniquely beautiful with a mission,” sey ni Herlene.
Kaya raw siguro sa tagal niyang naghahanap ng kapareho niya ay wala siyang makita dahil iyon ang plano para sa kanya.
“Kaya pala ako nai-insecure kasi hindi ko pa nakikita at nakikilala ang sarili ko. Tapos noong mga time na nagtsa-charity na kami, doon ko nalaman na ‘Ah, may misyon pala ako. Mayroon pala akong purpose’,” bahagi ni Herlene.
Ito raw ay ang mas makatulong pa sa mga nangangailangan at ibahagi ang kanyang mga natatanggap na blessings.
Basher walang awang nilait at minaliit si Herlene Budol: Maganda ka sana kaya lang bobita ka!
Herlene Budol pasok sa Top 40 ng Binibining Pilipinas