Pagtatapos ng ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ tinutukan ng madlang pipol, CocoJul fans happy sa ending

Pagtatapos ng Ang Probinsyano tinutukan ng madlang pipol, CocoJul fans happy sa ending
HINDI binigo ni Coco Martin ang loyalistang supporters nila ni Julia Montes sa pagtatapos ng “FPJ’s Ang Probinsyano” pagkatapos ng pitong taon dahil sila ang magkasama sa ending, so alam na!

Hindi na kinailangan ng revelation tulad ng inaasahan ng lahat na baka aamin na dahil sapat na ang muling pagbalik ng karakter ni Mara bilang love interest ni Cardo Dalisay.

Sadyang inabangan ng lahat ang #FPJAP7MissionAccomplished dahil nagtala ito ng pinakamataas na concurrent viewers na umabot sa 536,543 o mahigit kalahating milyon ang nanood nito. Bukod rito ay umabot rin sa 47.2% highest peak ratingang show at higit sa lahat, walang pagtitipid sa huling laban ni Cardo in terms of production value, ang gastos!

Anyway, sa mahigit isang oras ay siksik ang pagtatapos ng kuwento ni Cardo Dalisay dahil naipakita lahat kung paano sila nagwagi, paano binigyan ng magandang pamamaalam at pagpupugay sa mga miyembro ng Task Force Aguila na ibinuwis ang buhay sa pangungunguna nina Angel Aquino, Michael De Mesa, John Medina, Sancho Vito de las Alas, CJ Ramos, Marc Solis, John Prats, Jay Gonzaga, Bassilyo, Smugglaz, Shaina Magdayao at Raymart Santiago ni Rowell Santiago bilang si Presidente Oscar Hidalgo.

Ilang balang tumama sa katawan ang kumitil sa buhay nina John Arcilla, Karl Medina, Roi Vinzon at Raymond Bagatsing na pinugutan naman ng ulo ni Cardo dahil nalaman nitong siya pala ang dahilan kung bakit namatay ang anak nito sa pagsabog ng bomba sa eskuwelahan.

May tribute rin siyempre kay Ms. Susan Roces bilang si Lola Flora ni Cardo na ramdam moa ng sakit ng iyak niya na tila ito ang extension ng pag-iyak niya nang mabalitaan niyang wala na ang Queen of Philippine Movies.

Ang pagbabalik ng mga batang alaga ni Cardo sa pangunguna ni Onyok na malaki na ngayon at ang pagbabalik ng karakter nina Marvin Yap at PJ Endrinal na matagal nawala.

At since buhay si presidente Oscar Hidalgo kaya dapat happy ending sila ni Aurora played by Sharon Cuneta na ikinasal sa huli at makakasama pa rin nila ang dalawang matapat nilang staff sa palasyo, sina Whitney Tyson at Nonong Ballinan.

Siyempre, alangan namang sina presidente Oscar at Aurora lang ang masaya, dapat si Cardo rin kaya hayun buhay si Mara at nakita niya sa tabing dagat na malayo ang tingin at sa muli nilang pagkikita, ang ganda-ganda ng ngiti ng dalaga, halatang super in love.

Trending sa Pilipinas ang mga sumusunod tulad ng #FPJAP7MissionAccomplished, #FPJAPAngProbinsyano, Coco Martin, Susan Roces, Cardo, Lola Flora, Onyok, Aguila, Hipolito, John Arcilla, Angel Aquino, at Julia Montes.

Habang pinapanood namin kagabi ang pagtatapos ng pitong taong serye ni Coco ay may kausap kami at iisa ang nasambit namin, “Ang yayaman na tiyak ng bawat karakter diyan na nakabuo ng 7 or 6 years sa Ang Probinsyano, buong production staff and crew kasama rin dahil nakaipon sila.”

Ang higit sa lahat tulad ng mga ipinagpapasalamat ng bawat karakter, nabigyan ‘yung iba ng bagong chance para maka-arte muli sa harap ng camera at maging artista ulit sila.

Binabati namin ang Team “FPJ’s Ang Probinsyano”, Dreamscape Entertainment at ABS-CBN sa magandang pagtatapos nito sa telebisyon.

Related Chika:
Awra Briguela feeling sad sa nalalapit na pagtatapos ng ‘Ang Probinsyano’: Sobrang daming taong maaapektuhan…

‘May dahilan kung bakit iniligtas ng Diyos si Cardo Dalisay, ayaw niyang mahulog sa masasamang kamay ang Pilipinas!’

Grace Poe apektado rin sa pagtatapos ng ‘Probinsyano’; nagpasalamat sa mga nagmamahal kina FPJ at Susan

Read more...