'May dahilan kung bakit iniligtas ng Diyos si Cardo Dalisay, ayaw niyang mahulog sa masasamang kamay ang Pilipinas!' | Bandera

‘May dahilan kung bakit iniligtas ng Diyos si Cardo Dalisay, ayaw niyang mahulog sa masasamang kamay ang Pilipinas!’

Ervin Santiago |June 14,2022
facebook
share this

‘May dahilan kung bakit iniligtas ng Diyos si Cardo Dalisay, ayaw niyang mahulog sa masasamang kamay ang Pilipinas!’

Ervin Santiago - June 14, 2022 - 01:07 PM

Coco Martin

“LABAN o bawi?” Yan pa rin ang  tanong ng mga netizens tungkol sa long-running action-drama series ng ABS-CBN na “FPJ’s Ang Probinsyano” na pinagbibidahan ni Coco Martin.

Recently lang ay muling nakasama sa top trending topic sa social media ang inakala ng lahat na pagkamatay ng karakter ni Coco sa serye na si Cardo Dalisay.

Balitang matatapos na kasi ang programa ngayong darating na Hulyo dahil nakatakda na ngang lumipad sa ere ang iconic Pinay superhero na si Darna na gagampanan ni Jane de Leon.

Ngunit sa pagpapatuloy ng kuwento ng “Probinsyano” ngayong nakaligtas na nga sa kamatayan si Cardo, feeling ng manonood hindi pa rin ito magbababu next month.

Sa nakaraang episode ng serye, nagawa pa ring makaligtas ni Cardo matapos maghingalo dahil sa dami ng tama ng bala sa katawan. Nadala kasi siya agad sa ospital ng mga kasamahan niya sa Task Force Agila.

Nagmarka naman ang naging dialogue ni Jaime Fabregas sa nasabing episode bilang si Delfin Borja matapos makaligtas si Cardo sa bingit ng kamatayan.

“May dahilan kung bakit niligtas ng Diyos si Cardo. Ayaw niyang mahulog sa masasamang kamay ang Pilipinas,” sabi ni Delfin Borja.

Actually, hindi ito ang unang pagkakataon na muntik nang mamatay si Cardo Dalisay sa kuwento ng “Ang Probinsyano” na halos pitong taon nang ipinalalabas sa telebisyon.

May isang episode na rin na nalagay sa peligro ang buhay ni Cardo dahil sa pagtatanggol at pagprotekta sa mga mahal niya sa buhay at tulad ng inaasahan, nabuhay ang bida ng serye at tuloy ang laban kontra kasamaan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Coco Martin PH (@cocomartin_ph)


May mga lumutang pa ngang chika na bukod sa kakambal niyang si Ador na namatay sa unang bahagi ng serye ay posibleng may isa pa siyang kapatid na magiging kapalit ni Cardo sakaling mamatay nga ito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kayo ba dear BANDERA readers, gusto n’yo pa bang pahabain pa ang “Probinsyano” nina Coco at Julia Montes at makilala pa ang ikatlong kapatid ni Cardo o dapat na itong tapusin after seven years?

‘Ang Probinsyano’ nalalapit na ang katapusan, sey ni Cristy Fermin: Siguro naumay na rin mismo si Coco?

Coco Martin muling nanggulat sa bagong pasabog ng ‘Ang Probinsyano’; Fifth Solomon may pa-dyowa reveal

‘Ang Probinsyano’ posible nga bang magtapos ngayong taon?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending