Sylvia ibinuking sina Maine at Papa Art: Sila po ang laging nagbu-bully-han, nakahanap sila ng katapat sa isa’t isa
PINUSUAN ng mga netizens at umani ng mga nakaaaliw at positibong comments ang mga kulitan moments ni Maine Mendoza at ng tatay ni Cong. Arjo Atayde na si Papa Art Atayde.
Bentang-benta ang mga ipinost na pictures ng nanay ni Arjo na si Sylvia Sanchez sa social media kung saan kitang-kita kung gaano na ka-close ngayon ang Phenomenal Star sa pamilya ng kanyang fiancé.
Sa kanyang Instagram account, ibinandera ni Sylvia ang mga litrato nina Maine at Papa Art habang nagkukulitan at nag-aasaran.
Ani Ibyang sa caption, “Sila po ang laging nagbu-bully-han ‘pag nagkikita kita. Nakahanap sila ng katapat sa isa’t isa. Hahaha.”
View this post on Instagram
Dagdag pang chika ng veteran award-winning actress, “Ang saya saya sa tuwing nagbu-bully-han sila.
“Walang humpay na tawanan. Sarap nilang panoorin, tatawa ka na lang nang tatawa. #PositiveVibes kumbaga. Love you both!” chika pa ni Sylvia.
Sa pagkakaalam namin, bago pa mag-propose si Cong. Arjo kay Maine, talagang super close na ang dalaga sa pamilya Atayde, lalo na kay Papa Art mahilig daw makipagkulitan sa kanyang future father-in-law.
Nito lang July 29, ginulat nina Arjo at Maine ang kanilang mga kaibigan at supporters nang ibalita nilang engaged na sila. Tatlong taon na ring magkarelasyon ngayon ang celebrity couple.
Kasunod nito, nag-post nga si Sylvia ng mga litrato sa Instagram na kuha sa engagement ng anak at ni Maine kalakip ang mensahe para sa kanyang magiging manugang.
“Finally!! Welcome to the family, Maine.
“Thank you for loving my son. Love you, ‘Nak. I promise that I will take care and love you as my own daughter,” pahayag pa ng premyadong aktres.
https://bandera.inquirer.net/306549/maine-nag-sorry-dahil-sa-pamba-bash-ng-netizens-ani-sylvia-ang-habol-daw-namin-yung-milyon-niya
https://bandera.inquirer.net/307609/maine-hinding-hindi-gagamitin-ni-arjo-para-manalo-sa-eleksyon-2022-ayaw-isama-sa-kampanya
https://bandera.inquirer.net/320132/sylvia-super-kilig-sa-proposal-ni-arjo-kay-maine-welcome-to-the-family-thank-you-for-loving-my-son
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.