UMALMA ang TV personality na si RR Enriquez sa pahayag ng batikang aktor na si Jaime Fabregas ukol sa muling pagbabalik ng mandatory Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) sa kolehiyo.
Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi niya ang opinyon ukol sa isyu kalakip ang sinabi ni Jaime sa kanyang tweet.
Agree naman si RR sa batikang aktor na dapat ay mahalin talaga ng mga Pilipino ang bansa ngunit salungat siya sa pagkontra nito sa pagbabalik ng ROTC.
“Excuse me Sir!! I agree with you by teaching children to love your country. But loving your country is not enough…If you don’t know how to fight, how can you defend your country??” saad ng queen sawsawera.
Aniya, sa Bible daw ay tinuturuan na ang mga 12 years old na mga bata at naniniwala siyang hanggang ngayon daw ay mandatory ito.
Pagpapatuloy pa ni RR, “If magkaroon ng giyera your love won’t defend you… And hindi porke’t walang gulo or walang giyera sa ngayon. Magpapaka-complacent na tayo.”
Ikinumpara pa nga niya ang pgkakaroon ng ROTC sa paraan ng paghahanda ng mga langgam bago ang pagsapit ng tag-ulan.
“Gayahin natin ang langgam mentality… Nag-iimbak na sila ng pagkain habang wala pang bagyo. Para in times na dumating ang ulan or bagyo, handa sila,” sey ni RR.
Biro pa niya, hindi naman daw lahat ay katulad ni Cardo na hindi namamatay.
“Hindi po tayo katulad ni Cardo na hindi mamatay-matay… Ibahin po natin ang pelikula na madalas ginagawa n’yo na hindi kayo mamatay-matay,” hirit pa ni RR.
Si Cardo Dalisay ay ang bida sa longest Kapamilya aksyonserye na “FPJ’s Ang Probinsyano” kung saan isa sa mga cast si Jaime Fabregas na gumanap bilang Lolo Delfin.
Pero sa kabila naman ng kanyang pagsalungat sa pahayag ng batikang aktor ay nananatili pa rin ang respeto ni RR rito.
Papuri niya,”Pero love ko pa din po kayo and I respect you because you are a legendary.”
Wala namang pahayag ang batikang aktor sa pagsalungat sa kanya ni RR
Matatandaang isa sa mga iminumungkahi noon pa man ni Vice President at Department of Education Sec. Sara Duterte ang pagkakaroon at pagbabalik ng ROTC at CAT sa mga paaralan na sinang-ayunan rin naman ng iba pang mga mambabatas.
Related Chika:
Jaime Fabregas kontra sa pagkakaroon ng ROTC: Teach our children to love their country!
Hugot ni Jaime Fabregas: It will be very difficult to have another Susan Roces again in our lives…
RR Enriquez sa bashers: Pakialam ko sa inyo! Basta masaya ako sa ginagawa ko!