Ynna Asistio ‘2 beses’ nagpakasal kay Bully Carbonell, magiging mommy na rin: Ang tagal ko nang gustong magka-baby!

Waldolf ‘Bully’ Carbonell at Ynna Asistio

DOUBLE celebration ang nangyari sa pagpapakasal ni Ynna Asistio sa kanyang non-showbiz partner na si Waldolf “Bully” Carbonell.

Bukod kasi sa naganap na wedding, ibinandera rin ng bagong kasal na magiging mommy at daddy na sila dahil buntis na nga ang anak ni Nadia Montenegro.

In fairness, dalawang beses pang ikinasal sina Ynna at Bully kamakalawa, August 8 — una sa isang intimate civil wedding ceremony na ginanap sa Muntinlupa City Hall at pangalawa sa Vivere Hotel and Resorts Grand Ballroom sa Alabang para naman sa kanilang Christian wedding.

“Blessings after blessings! Tagal ko na gusto magka-baby and finally it’s happening. I’ve been battling with PCOS since I was 13 years old and it has been a difficult battle for me.

“Ilan beses na ako na-hospital because of it and I was told na mahihirapan ako magka-baby.

“It has always been my prayer and my dream to become a mom as I always say, In His Perfect time He will make things possible,” ang pahayag ni Ynna sa kanyang Instagram post kahapon, August 9.

Dagdag pang pagbabahagi ng aktres sa tungkol sa bagong yugto ng kanyang buhay, “From baby to our engagement to our wedding yesterday I can finally say that I am contented, at peace and happy with my life. Thank you Lord!”

“I am so Happy! I am on a high and I’m so grateful to be able to experience all these. See you soon baby! Our family are super excited to meet you. I can’t wait!! Greatest blessing,” sey pa ng aktres.

Nito lamang July nag-propose si Bully kay Ynna nang magbakasyon sila sa Bohol kasama ang kani-kanilang pamilya.


Aniya sa caption ng mga litratong ibinahagi niya sa Instagram na kuha sa marriage proposal ni Bully, “In 4 days I’m getting married. The proposal was really a surprise! (crying emoji) kaya sobrang thankful ako kasi nahabol pa ung proposal bago kami Ikasal ni Bully.

“Dapat wedding lang pero salamat Carbonell Waldolf kasi pinaramdam mo sakin ang feeling ng proposal na ilan taon ko ng pinapangarap. Kaya grabe yung iyak ko na FINALLLLLY! I made it!!! We made it!!!”

Mensahe naman niya sa lahat ng bumati sa kanilang engagement, “I appreciate that you all took time out of your busy schedule to congratulate us.

“Thank you for your heartwarming wishes. It means a lot to us! #wefynnallymadeitbully [smiling face] hindi ko kayo maisa isa pero super salamat po!!! @bullyxcarbonellx,” dagdag ni Ynna.

https://bandera.inquirer.net/285721/mag-inang-nadia-at-ynna-tinamaan-din-ng-covid-19-hindi-basta-nagpatalo-sa-killer-virus

https://bandera.inquirer.net/280011/bea-gusto-nang-magka-baby-baka-may-donor-na-lang-para-kahit-wala-nang-lalaki
https://bandera.inquirer.net/297671/paulo-jake-ibinuking-ni-janine-pareho-silang-bully-lumabas-ang-tunay-nilang-pagkatao-char

Read more...