Jobelle Salvador binanatan sa FB post na, 'Si Agot ba ito? My friend told me to check kasi kamukha raw nu’ng namamalimos sa C5' Bandera

Jobelle Salvador binanatan sa FB post na, ‘Si Agot ba ito? My friend told me to check kasi kamukha raw nu’ng namamalimos sa C5’

Ervin Santiago |August 09,2022
share this

Jobelle Salvador binanatan sa FB post na, ‘Si Agot ba ito? My friend told me to check kasi kamukha raw nu’ng namamalimos sa C5’

Ervin Santiago - August 09, 2022 - 08:06 AM

Jobelle Salvador at Agot Isidro

NANG dahil sa isang tanong tungkol kay Agot Isidro pinutakti ng galit na galit na bashers at trolls ang aktres na si Jobelle Salvador na naninirahan na ngayon sa ibang bansa.

Gulat na gulat si Jobelle nang makatanggap ng sandamakmak na hate comments sa social media mula sa mga tagasuporta ni Agot at ng ilang Kakampinks.

Nagsimula ito sa “harmless” question ng hindi na gaanong aktibong aktres na ipinost niya sa Facebook noong August 5, kalakip ang isang litrato ni Agot.

Aniya sa caption, “Si Agot ba ito?? My friend told me to check kasi daw kamukha daw nu’ng namamalimos na babae sa C5 na nag-nga-nga-nga..no offense but is this really her?”

At ilang sandali lang ang lumipas, sa halip na sagutin nang maayos n netizens ang tanong niya ay nagalit pa sa kanya ang mga ito at pinagsalitaan ng masasama. Kaya naman binura na niya ang nasabing FB post para wala ng maging isyu.

Kamakalawa, August 7, muling nag-post si Jobelle sa FB at matapang ngang sinagot ang mga haters, “I don’t need you to comment on this kasi ide-delete ko lang kayo. I don’t need to know your opinion kung kokontra lang kayo at manggugulo.

“Una sa lahat, wala akong pakialam kung wala akong project d’yan sa Pinas dahil bragging aside, $$$ at ¥¥¥ ang kinikita ko mga hunghang!!

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jobelle Salvador (@jobelle_salvador)


“Nakaka-siguro ako na mas masarap ang buhay ko kung ikukumpara niyo ako sa iniidolo niyo…

“Sige na maganda na s’ya, mayaman na s’ya, magaling na artista!! E di wow!! I do respect her as a ‘human being’ and everyone’s opinion on everything.

“Sorry to Agot kung naka-offend ako but that was not my intention,” aniya pa.

Pero kahapon, August 8, muling ipinost ni Jobelle ang deleted FB status dahip ayaw daw siyang tigilan ng mga netizens na naimbiyerna at na-offend para kay Agot dahil sa tanong niya.

Sey ni Jobelle, “Ayaw niyo akong tigilan, o sige ito ibabalik ko na. Ito ‘yung ini-issue niyo sa akin e.

“Sa mga hindi nakakaalam, bina-bash ako ng oposisyon just because I wanted to confirm if this was Agot. Binahiran nila ng politika ang pagtatanong ko,” sey ng aktress na ang tinutukoy marahil ay ang mga tagasuporta ni dating Vice President Leni Robredo at former Sen. Kiko Pangilinan, na siyang sinuportahan ni Agot noong May 9 elections.

Sa pagkakaalam namin, base na rin sa mga social media posts ni Jobelle, ang sinuportahan naman niya ay sina President Ferdinand Marcos, Jr. at Vice President Sara Duterte.

Pagpapatuloy ni Jobelle sa kanyang post, “According to my friend who showed me this post e kamukha daw ni Agot ‘yung beggar sa C5. I deleted the post already yesterday para matapos na ‘yung issue but the bashing continues.

“It’s obvious that the hate comments are coming from trolls and fake accounts. Just so you know, I keep my account public for a reason and that is because I want the public’s opinion on the subject matter I post unlike other people na ang hilig magpapansin at tumira ng ibang tao pero naka private ang account?!!

“With that said, if you have hateful or negative comments to say, that is your choice and I respect your opinion. I’m not here to make things worst or to cause hatred, but I just simply wanted to know the facts.

“Even now that I know the truth, this is my account, my wall, my rules!!! Therefore, I’m going to repost it. I wonder lang, sa dinadami naman kasing magandang picture ni Agot, ito pa talaga yung napiling ilagay?!!

“Sa mga bashers, sabi nga ni Agot di ba DEDMA IS key bakit galit na galit kayo?!!! Affected?” sabi pa ni Jobelle na huling napanood sa Kapamilya series na “The Killer Bride” na pinagbidahan ng pinsan niyang si Maja Salvador at pamangkin na si Janella Salvador.

Agot sa mga beki at lesbian: Kung nirerespeto mo ang sarili mo rerespetuhin ka rin ng ibang tao

Agot: Kailangang pinupuna ang injustices at social issues na taliwas sa dapat mangyari…itama lang natin

Ella Cruz nasaktan sa sinabi ni Pokwang: Naging nanay ko po kasi siya

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending