Dennis pinagalitan ng netizens matapos 'mainggit' kay Cesar; pati sina Sunshine at Marjorie nadamay Bandera

Dennis pinagalitan ng netizens matapos ‘mainggit’ kay Cesar; pati sina Sunshine at Marjorie nadamay

Ervin Santiago |August 09,2022
share this

Dennis pinagalitan ng netizens matapos ‘mainggit’ kay Cesar; pati sina Sunshine at Marjorie nadamay

Ervin Santiago - August 09, 2022 - 07:15 AM

Dennis Padilla

SA halip na makakuha ng simpatya mula sa publiko, tila nanega na naman ang veteran comedian na si Dennis Padilla matapos muling magparinig sa kanyang mga anak kay Marjorie Barretto.

Nag-ugat ito sa litratong ipinost ng komedyante sa kanyang Instagram account na kuha sa 60th birthday celebration ng kaibigan niyang si Cesar Montano kamakailan.

Makikita rito si Cesar kasama ang kanyang mga anak mula sa mga nakarelasyon niya noon at sa kinakasama niya ngayon.

Sa kanyang caption, nagpahiwatig muli si Dennis ng sobrang pagka-miss sa kanyang mga anak at sana raw sa pagsapit ng 61st birthday niya sa Feb. 9, 2023 ay makasama na niya ang mga ito.

“Happiiii bday pareng Buboy!! Congrats!! Praying na sana sa bday ko… (praying hands, heart, wrapped gift emojis),” mensahe ni Dennis.

May mga nakisimpatya sa beteranong komedyante pero mas marami kaming nabasang comments na hindi na naman sumang-ayon sa kanyang sinabi.

“I think you should refrain posting something like this it doesn’t help it will just irritate them. Do it privately if they still ignore you just let it be and just pray that one day they will reach out to you VOLUNTARILY.

“Don’t shame them publicly that’s why people bash them and call them INGRATA ETC. Because of you posting something like this and with that it just adds fuel to the fire. You should also know the root of the problem why your kids are like that to you.

“Honestly, you should protect them from all the insults they are receiving. I may not know the real problem of the family but I think this one helps. Peace and love. Just my opinion,” ang mahabang litanya ng isang netizen.


Sey naman ng isang IG user, “Iba nman si buboy sa yo. He never talked like this your caption he just quiet pero pinagdaanan din nya yon. Kung tutuusin mas masakit mga salita ni Diego laban sa kanya but he never fight back. He just quiet and waited for the right time. Para na rin hindi maissue ang mga anak. And Buboy sent them to school. Yon ang pagkakaiba nyo.”

Komento ng isa pang netizen, “As a father, your first role is to protect your children. You cannot ask from them what you have not given. The way you reached out to them were all part of publicity.”

Narito ang ilan pa sa mga reaksyon ng kanyang IG followers.

“Tumigil ka na kasi Dennis!”

“Wag kana umasa iba ugali ng ex mo bro sana nga pagsamahin nia anak mo.”

“Hilig mo mag paawa sa social media kahit alam mong mapapahamak anak mo sa ganyan. Nagppakita lang yan na manipulative ka sir dennis. Wag ganyan.”

“Paawa ka na naman sa social media. Sana sa bday mo? Edi sana imessage mo hindi yung mag popost ka. Gigil mo ko eh!”

“In God’s perfect time po…don’t lose hope po.”

“Then you should have been a better father. Hindi ganito na nagpaparinig palagi sa social media. Anong klaseng ama ang ganyan, very self/centered. Sarili lang iniisip palagi! You had free access to your children even when they were kids, anong ginawa mo? Tapos dito ka sa social media paawa effect? Kung inggit ka, pikit!”

“Epal na naman pakatatay ka muna po.”

“Maghintay ka ng tamang panahon, ung mga ganyang post lalo lang mainis sau mga anak mo mas maganda tahimik nalang darating din un ipagpray mo lang.”

“Ay wag ka na po umasa para hindi ka po masaktan. Sa ugali nang mga ‘well raised’ children mo, it’s too imposible na maalala ka nang mga anak mo sa bday mo.”

“The attitude of ur ex-wife is much different from the attitude of Cesar’s exes. Nasa nanay kasi yan, ang anak na malapit sa Ina isang sabi lang ng Ina susunod yan.”

“Naku sana nga po si Sunshine Cruz super bait ewan ko lang po sa ex wife nyo.”

Dennis may open letter din para kay Leon, hiling na makasama muli ang anak: I regret all the times I hid my feelings from you…

Cesar Montano senior citizen na, super happy nang makumpleto ang anak sa 60th birthday party

Banta ni Marjorie sa mga naninira kay Julia: Buhay na buhay pa ang nanay niya!

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending