Andi binalikan ang bonding moments nila ni Cherie sa Siargao: The one who inspires me to always stay true to my authentic self | Bandera

Andi binalikan ang bonding moments nila ni Cherie sa Siargao: The one who inspires me to always stay true to my authentic self

Reggee Bonoan |August 07,2022
facebook
share this

Andi binalikan ang bonding moments nila ni Cherie sa Siargao: The one who inspires me to always stay true to my authentic self

Reggee Bonoan - August 07, 2022 - 02:10 PM

Andi Eigenmann at Cherie Gil

INALALA ni Andi Eigenman ang araw na naka-bonding niya ang kanyang Tita Cherie Gil nang magpunta ito sa Siargao noong Agosto, 2019.

Ito’y sa gitna na rin ng pagluluksa ng kanilang pamilya pati na  buong showbiz industry sa pagpanaw ng beteranang aktres at mahusay na kontrabida kamakailan.

Ipinost ni Andi ang mga larawan ng Tita Cherie niya sa Instagram kasama ang panganay na anak na si Ellie at si Lilo. Wala pa noon ang bunso niyang si Koa.

May larawan din siyang ibinahagi sa IG na magkasama ang ama niyang namayapa na ring si Mark Gil at ang kanyang Tita Cherie.

Ang caption na inilagay niya sa litratong magkasama sila ng namayapang aktres at parehong nakalabas ang mga dila nila ay, “The one who inspires me to always stay true to my authentic self.”

Ni-repost naman ng mama nina Ellie, Lilo at Koa ang Instagram post ng tita niya noong Marso 3, 2017 na pareho silang naka-two-piece sa gilid ng lagoon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Andi Eigenmann (@andieigengirl)


Ang caption ng namayapang aktres, “What are the chances of this happening? #nocoincidences @andieigengirl loved every moment.  “Twas super bonding fun with my Andi!  #Siargao @mapupungkopools.”

Ito naman ang caption naman ni Andi sa pagkaka-repost niya sa nasabing larawan, “You were there in most. If not all of my life’s milestones.

“But my favorite was being with you here during my first time on this magical island.  Wouldn’t have had it any other way.”

Sumakabilang buhay ang premyadong aktres nitong nagdaang Agosto 5 sa edad na 59.

Sharon Cuneta nagdadalamhati sa pagpanaw ni Cherie Gil: It is the end of an era now that you’ve left us

Cherie Gil biglang umalis sa ginagawang teleserye: I have no regrets

Cherie Gil pumanaw na sa edad na 59

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending