Ogie Diaz may payo kay Vanessa Raval: Dapat may credibility tayo! Bandera

Ogie Diaz may payo kay Vanessa Raval: Dapat may credibility tayo!

Therese Arceo |August 04,2022
share this

Ogie Diaz may payo kay Vanessa Raval: Dapat may credibility tayo!

Therese Arceo August 04, 2022 - 06:12 PM

Ogie Diaz may payo kay Vanessa Raval: Dapat may credibility tayo!

NAPAG-USAPAN nina Ogie Diaz, Mama Loi, at Dyosa Pockoh sa kanilang YouTube vlog na “Showbiz Update” ang isa sa mga kontrobersyal na social media personality na si Vanessa Raval.

Ito ay kaugnay sa nag-viral nitong post kung saan isang rapper ang diumano’y nangungulit sa kanya at ayaw siyang tigilan.

Marami ang nag-comment sa post ni Vanessa dahil inaakala na ang rapper na tinutukoy niya ay si Skusta Clee dahil sa description niya na “babaero”, “pangit”, at “may anak”.

Ngunit kalaunan ay inamin niyang scripted lamang ito at ginawa niya lang para mabaling sa kanya ang pansin ng mga tao at mamatay na ang tsismis na buntis ang kapatid niyang si AJ Raval.

Ito nga ang isa sa mga naging topic nina Ogie sa kanilang vlog.

Nagbigay pa ng payo ang talent manager sa kapatid ni AJ kung nais talaga nitong pasukin ang mundo ng showbiz.

“Eto didiretsuhin ko na si Vanessa. Day, kung gusto mong pumasok sa aming industriya, diyan ka una nilang nakikilala. ‘Yung nagsinungaling ka, gumawa ka ng script kaya everytime magsasalita ka, baka magduda na ‘yung mga tao, hindi na sila maniwala sa’yo,” saad ni Ogie.

Dagdag pa niya, “Saka lang sila maniniwala na ‘pag sinabi mo, ‘Ang dami kong tattoo sa katawan.’ Du’n lang sila maniniwala kasi nga ipapakita mo na marami kang tattoo.”

Dito ay binanggit rin ni Ogie kung gaano kaimportante na magkaroon ng kredibilidad ang isang personalidad.

“Kahit hindi tayo reporter, dapat, lalo na’t papasok tayo sa industriyang ito, sa lahat ng pagkakataon, sa lahat ng larangan, dapat may credibility tayo,” pagpapatuloy ng talent manager.

Sey pa ni Ogie, nagmukhang “boy who cried wolf” daw ang naging ganap ni Vanessa.

“Pa’no pa next time, kung meron siyang i-claim, kung meron siyang sabihin? Kahit magngangawa ka diyan, ‘Naku, baka pinasasakay lang tayo ng Vanessa Raval na ‘yan. Echoserang palaka ‘yan e.’ Baka gumanu’n na naman sa kanya ‘yung mga tao,” lahad pa ng talent manager.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by VanessaRaval (@vaneraval)

Nabanggit pa niya na hindi pala anak ni Jeric Raval si Vanessa at ito raw ay anak ng kanyang pinsan. Hindi naman daw itatanggi ng action star kung anak talaga niya ito dahil madami naman ang anak niya na hindi niya itinanggi pero talagang hindi raw talaga.

Sey pa ni Ogie, “Kaya ‘yon ang dapat mong ibangon ngayon, Vanessa, ‘yung iyong credibility. Naku tignan mo oh, hindi pala siya anak ni Jeric. Tapos scripted lang pala. Tingnan mo, ganyan ang paumpisa mo, anak, paano?”

Related Chika:
Jeric Raval may inamin tungkol kay Vanessa: Hindi ko siya anak, 18 nga ang anak ko hindi ko naman sila itinanggi

Vanessa Raval ‘scripted’ nga ba ang pag-iingay sa socmed para pagtakpan si AJ?

Jeric ayaw pag-usapan ang anak na si Vanessa Raval; hindi rin suportado ang paghuhubad ni AJ

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending