Sylvia hindi pa rin makapaniwalang kongresista na si Arjo: 'Di ko akalaing darating ang araw na ‘to sa buhay natin... | Bandera

Sylvia hindi pa rin makapaniwalang kongresista na si Arjo: ‘Di ko akalaing darating ang araw na ‘to sa buhay natin…

Ervin Santiago - July 31, 2022 - 07:08 AM

Sylvia Sanchez, Arjo Atayde at Art Atayde

HANGGANG ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si Sylvia Sanchez na isa nang kongresista at public servant ang kanyang anak na si Arjo Atayde.

Muling ibinandera ng award-winning actress ang kanyang proud moment bilang ina nang samahan si Arjo sa pag-attend nito sa kauna-unahang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr..

Sa kanyang Instagram account, nag-post si Sylvia ng litrato ni Arjo na kuha sa naganap na SONA ni BBM.

“Still so surreal to have witnessed your first day in congress and to have walked the red carpet with you for the SONA.

“Di ko akalain darating ang araw na ‘to sa buhay natin. Keep at it, @arjoatayde! Your dad, siblings and I are so proud of you and will be here for you every step of the way.

“Be a good public servant like I know you will be. Serve and love your people the way they deserve  Congratulations Cong!” aniya sa caption.

Sa naunang socmed post ng premyadong aktres, sinabi niya na talagang ipinaglaban ni Arjo ang kanyang pagtakbo sa kongreso kahit alam niyang hindi magiging madali ang kanyang laban.

Sabi ni Ibyang, “Walang mapagsidlan ang kagalakan ko sa tagumpay mo. Pinaglaban mo ang gusto mo, ang laman ng puso’t isip mo at pinatunayan mong tama ka. Iba ka manindigan anak!!”

“Bago ka daw at walang alam at artista lang at kung ano ano pang masasakit na salitang ipinukol sayo. Lahat ng yon napawi habang pinapanood kitang nanunumpa bilang Bagong Congressman ng Distrito uno. Napaka proud ko sa mga oras na yo.

“Pasensya na anak, di ko maalis na manumbalik sa isipan ko na ito ang batang kinutya, pinagtawanan, nilait at hinusgahan pero wala akong nakita o narinig na pambabastos mo sa mga taong bumatikos sayo.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jojo Campo Atayde (@sylviasanchez_a)

“Bagkus ang tanging sinabi mo lang sa akin, ‘Hayaan mo sila Mommy, wag tayong sumabay sa pambabastos nila, hindi tayo tulad nila. Basta ako andito tumakbo dahil gusto ko makatulong sa kapwa ko at mas makakatulong ako pag nasa pwesto ako. I dont want to be a good politician, I want to be a Good Public Servant.’”

Matapos manumpa bilang congressman ng first district ng Quezon City, agad na in-announce ni Arjo ang pagpa-file ng ilang panukalang-batas para sa kanyang mga constituents.

“Filed my first 6 bills in Congress and attended an alignment meeting with the mother of QC @mayorjoybelmonte.

“Thank you, once again, D1 QC for putting your faith and trust in me. Looking forward to serving you for the next 3 years. I promise that I won’t stop learning and I won’t stop working,” pahayag pa ng boyfriend ni Maine Mendoza sa isang social media post.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/296354/sylvia-kontra-sa-pagtakbo-ni-arjo-sa-2022-pero-iga-guide-ko-na-lang-para-hindi-masulsulan-at-maligaw

https://bandera.inquirer.net/297079/enchong-type-gumanap-na-ramon-magsaysay-umaming-may-balak-sumabak-sa-politika-pero
https://bandera.inquirer.net/308755/donny-pangilinan-ikinumpara-kay-sandro-marcos-netizens-nag-react-hindi-po-siya-public-servant

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending