Barbie Imperial, Diego Loyzaga napag-usapan ang pagpapakasal noon: Lessons learned

Barbie Imperial, Diego Loyzaga napag-usapan ang pagpapakasal noon: Lessons learned

DIRETSAHANG inamin ng aktres na si Barbie Imperial na napag-usapan na nila ng dating karelasyon na si Diego Loyzaga ang pagpapakasal maging ang pagpaplano ng kanilang future.

Sa kanyang YouTube channel ay matapang na sinagot ng aktres ang mga “mean and savage” questions mula sa social media.

Isa nga sa mga naitanong kay Barbie ay kung sino ba sa kanyang mga naging ex-boyfriends ang pinakanasaktan siya.

Sinagot naman ito ng dalaga at nilinaw na hindi pisikal na pananakit ang kanyang tinutukoy kundi “overall damage” na marahil ay emotionally ang nais niyang ipakahulugan.

“Pinaka-nasaktan talaga ako, I think si Diego talaga. Siya ‘yung boyfriend ko na parang alam niya lahat about me, ganun. Tapos parang siya ‘yung… alam mo ‘yung may na-meet kang someone, minsan mo lang ma-feel ‘yung akala mo siya na talaga,” saad ni Barbie.

Napag-usapan na rin daw nila ang ilang detalye patungkol sa kanilang future gaya ng pagbuo ng pamilya at kung saan nila nais mag-settle down.

“‘Yung parang may mga usap-usapan na kayo na, saan tayo titira, ilang anak. So ayun, may mga conversations na kami about getting married, kung saan kayo titira, mga plans niyo sa buhay. Kay Diego ko lang na-experience ‘yun,” pagpapatuloy ni Barbie.

Marahil ay yun daw ang naging rason kung bakit itinuturing niya na kay Diego siya pinakanasaktan.

“So ‘yun siguro ‘yung reason kung bakit sobrang sakit niya sa akin kasi plinano ko ‘yung buhay ko with him tapos biglang nawala. Pero ‘yun, ganun naman talaga. Lessons learned,” dagdag pa ni Barbie.

Samantala, natanong rin sa dalaga kung may babalikan siya sa mga naging dyowa niya, sino ito at bakit.

Matagal na nanahimik ang dalaga bago ito sumagot ng “WALA” with full conviction.

“Wala. Wala akong gustong balikan sa mga exes ko. Ako kasi, after kami maghiwalay [ng mga ex ko], usually may bago na silang girls,” lahad ni Barbie.

Hirit pa niya, “Ako ‘yung tipong, ‘If natikman mo na ‘yung ibang babae after sa akin, bakit ka babalik sa akin? Porke’t hindi masarap ‘yung ulam na natikman mong bago, babalik ka sa ‘kin? Panindigan mo ‘yan! Iyan ang pinili mo, ‘diba? Sinayang mo ako, so huwag ka na.’”

Related Chika:
Barbie Imperial umasa nga bang magkakabalikan pa sila ni Diego Loyzaga?

Barbie, Diego nagkagulatan nang magkita sa miting de avance, sigaw ng audience: ‘Balikan! Balikan!’

Barbie itinangging buntis, humirit kay Diego: Ako nga pala yung sinayang mo! Ha-hahahaha!

Read more...