‘Single mom’ na nag-viral matapos magnakaw ng handa para sa anak, walang katotohanan?

Single mom na nag-viral matapos magnakaw ng handa para sa anak, walang katotohanan?

HINDI raw totoo ang mga naunang kumalat na balita ukol sa diumano’y single mom na nagnakaw ng mga lobo, mantika, at gatas sa isang shopping center sa Cagayan de Oro City.

Ayon sa naunang balita na kumalat sa social media, nagnakaw raw ang babae sa mall para sa kaarawan ng kanyang anak.

Nagkakahalaga ng P648 ang lahat ng mga ninakaw ng diumano’y “single mom” at nang dalhin ito sa presinto ay doon ito nag-iiyak.

Agad namang nilinaw ng Cagayan de Oro Police na walang katotohanan ang balita na may anak ang babae dahil ang mga ninakaw daw nito ay para sa kanyang tiyahin at hindi rin totoo na isa siyang single mom.

Ngunit kahit na walang katotohanan ang pagkakaroon nito ng anak ay iniatras naman na ng may-ari ng grocery store ang kanyang reklamo laban sa babae.

Sa ngayon ay pinakawalan na ang diumano’y single mom makalipas ang ilang oras dahil pansamantala itong ikinulong para sa imbestigasyon sa nangyari.

“Nakalabas na siya ng both parties, nag-come up sila into an amicable settlement, so wala nang further charges na isasampa,” Sabi ni Police Staff Sergeant Genesis Babanto ng Cagayan de Oro Police.

Nagsalita rin ito upang depensahan ang kapulisan dahil labis labis ang natanggap nilang pangba-bash mula sa mga netizens dahil sa ginawa nilang pagkulong pansamantala sa diumano’y single mom.

“Kami as pulis, ang papel namin ay pagtanggap ng reklamo o pag-file sa kanilang reklamo. Since may complainant, may naarestong suspek, ang trabaho namin ay pag-file ng kaso,” sabi ni Babanto.

Other Stories:
Kit Thompson kinasuhan ng PNP dahil sa diumano’y pananakit kay Ana Jalandoni

Gianne Krysse Asuncion ng Cagayan Province umatras sa Miss Universe 2021 pageant

Pagtsugi kay Kim bilang host sa ‘It’s Showtime’, walang katotohanan

Ai Ai delas Alas itinanggi ang pagsuporta kay VP Leni: Utang na loob, nananahimik ako

Read more...