VICE GANDA magpapalagay ng totoong BOOBS para maging ganap nang babae | Bandera

VICE GANDA magpapalagay ng totoong BOOBS para maging ganap nang babae

Julie Bonifacio - September 26, 2013 - 03:00 AM

NASAKSIHAN namin ang major transformation ng Unkabogable Star na si Vice Ganda para sa role niya bilang babae sa set ng movie niya para sa December filmfest na”Girl, Boy, Bakla, Tomboy.” Agaw-pansin agad ang napakalaking boobs niya na ilang oras nilagay at inayos.

Hindi rin siya agad makikilala sa ginawang make-up sa mukha niya at korte ng katawan. Pati hita at legs niya, ang papayat din.
Pinaghandaan daw talaga ni Vice ang apat na roles niya sa pelikula.

Nagpapayat daw talaga siya para sa babaeng role niya. Kaya naman seksing-seksi talaga ang hitsura niya. And guess ninyo kung sino ang peg ni Vice sa kanyang role bilang babae sa movie?

Well, walang iba kundi ang sosyalerang si Paris Hilton. No wonder, sa costumes pa lang ni Vice for the movie, e, kita na ang laki ng production budget ng “GBBT”. That night alone, dalawang malaking sasakyan ang dala ni Vice dahil hindi raw magkasya sa isang kotse ang mga damit niya.

At alam ninyo ba na hindi basta-basta mga kotse ang gamit ni Vice that night sa shooting, huh!? Una, ang kontrobersyal na black Hummer niya. At ‘yung pangalawa ay ang bagung-bagong bili niya na black Havannah Explorer van.

Cash daw binili ni Vice ang naturang van na worth P4.6 million. Sobrang pinaghandaan at inaral talaga ni Vice ang roles niya sa “GBBT”.

Ipinakita pa niya sa amin ang notes na listahan sa galaw at mannerisms na sinulat niya sa kanyang Iphone especially sa role nya bilang girl at boy.

Dahil sa gusto niyang maiba at ma-perfect ang look niya bilang babae, he’s more than willing noon na maglagay talaga ng boobs sa isang cosmetic surgeon na natatanggal din daw.

“Meron na talagang ganu’ng boobs. May mga nagpagawa na ng ganoon. Kaya lang ayaw ni Direk Wenn (Deramas),” lahad ni Vice.

Tutol si Direk Wenn dahil baka kung mapano pa raw si Vice kapag nag-undergo pa siya ng ganoong treatment.  Kung sa “girl” role gusto niyang magpalagay ng boobs, e, ‘yung sa “boy” role naman very much willing naman daw siya na magkaroon ng muscle.

‘Yun nga lang it will take a lot of time bago niya ma-achieve ang ganu’ng katawan at baka hindi sila umabot sa deadline ng MMFF.

Out na nga pala sa cast si Gabby Concepcion na suppossed to be ay gaganap na tatay niya sa movie. Masyado  kasing bata ang itsura ni Gabby para maging ama ni Vice.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

At ang ipinalit sa kanya ay ang komedyanteng si Joey Marquez. Kasama rin sa cast si Ruffa Gutierrez and of course, ang Diamond Star na si Maricel Soriano bilang ina ni Vice.

( Photo credit to Google )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending