TRENDING ngayon ang King of Talk na si Boy Abunda matapos nitong ilabas ang kanyang interview sa kontrobersyal na aktres na si Ella Cruz.
Sa naturang interview ay napag-usapan nila ni Ella ang mga isyung kinakaharap nito lalong lalo na ang nag-viral nitong pahayag na “history is like tsismis”.
“Hindi naman po ako palasagot sa malaking issue so hindi po ako sanay. Tinanong ko yung sarili ko, saan ako nagkamali? anong nagawa kong mali? may nasaktan ba ako? alam ko sa sarili ko na wala akong nasaktan.
“Siguro may na-offend ako but hindi naman yun intentional ‘di ba po?” saad ni Ella nang tanungin siya ni Tito Boy kung ano ang kanyang naramdaman nang marami ang nag-react sa kanyang pahayag.
Kaya naman marami sa mga netizens ang labis na na-disappoint sa TV host dahil sa diumano’y pagbibigay ng platform sa aktres para mas i-justify pa nito ang mali niyang ginawa.
“JUST IN: ELLA CRUZ PLAYING THE VICTIM CARD ~ Honestly, I do not expect anything any longer from this girl. Although, what I didn’t expect was Boy Abunda giving her a platform to do this dramatic play by her. I do not know much about showbiz but geez. I’m disappointed,” saad ng isang netizen.
Comment naman ng isa, “So Boy Abunda interviewed Ella? For what? so she can play the victim card and earn public sympathy? Ella was no victim. She’s a grown*** woman who has all the means to educate herself but chose to become a puppet, a tool, to disinformation.”
“Boy Abunda is wrong for allowing public opinion to shape based on emotions instead of facts,” sey naman ng isa.
May mga nagsasabi rin isang enabler ang King of Talk at imbes na makatulong ang kanyang interview para matutunan ni Ella ang mali sa kanyang mga nasabi ay naging enabler ito para umarte bilang biktima ang aktres.
“Boy abunda, the moment you gave ella cruz the platform to act like a victim on national tv, you already enabled historical revisionism and disregarded the truth about history and the Marcoses,” giit ng netizen.
Sey ng isa, “Part of me wishes boy abunda used his platform to educate ella by bringing in people who lived through the atrocities of martial law to speak to her. we don’t want to see the tears of someone wallowing in self-pity. this whole interview served no real purpose other than.”
“Grabe talaga si boy abunda, noh? As long as it gets views, who cares about the consequences diba? Ella Cruz openly denied the painful history of this country, what our PARENTS went through, and insulted the work of historians. If you’re gonna be stupid, you better be tough,” hirit pa ng isang netizen.
Hiling naman ng iba na sana ay anyayahan rin ng Kung of Talk na makapagsalita at makapagkwento ang mga Martial Law survivors na mga parte ng kasaysayan.
“Also, since Boy Abunda is already handing out a platform to Miss Cruz, invite ML survivors as well to speak their truths that is being branded as chismis. Cos their truth is part of our history.”
Related Chika:
Xian Gaza nilektyuran si Ella Cruz tungkol sa pagkakaiba ng ‘history’, ‘tsismis’ at ‘historical revisionism’
Boy Abunda magiging Kapuso na rin, tuloy ang negosasyon sa GMA?
‘Toni Talks’ binatikos ni Xian Gaza: Cheap na ‘yung content ni Toni Gonzaga, wala nang class