TRUE nga ba ang chika na ang aktres na si Liza Soberano raw ang unang napusuan ni Sen. Imee Marcos na gumanap bilang siya sa pelikulang “Maid in Malacañang”?
May mga kumakalat kasing balita na ang dyowa raw ni Enrique ang dapat nagaganap sa karakter bilang Imee Marcos sa pelikula ngunit tumanggi ito kaya napunta ang role na ito kay Cristine Reyes.
Agad naman itong pinabulaanan ng mga bumubuo ng pelikula at sinabing walang ibinigay na offer ang produksyon kay Liza.
Sa Facebook page ng VinCentments ay makikitang naglabas ito ng pahayag ukol sa mga kumakalat na chika.
Anila, maaari namang kumpirmahin o pabulaanan ni Liza ang kumakalat na balita na inalok siya para gampanan ang karakter bilang Imee Marcos sa pelikula.
“Bilang bahagi ng produksyon, nais po naming ipaalam na maliban sa inggit na dulot pa rin ng pagiging talo sa na karaang eleksyon; ang balitang ito ay isang tsismis -pink tsismis,” ayon sa Facebook post.
Si Christine daw talaga ang choice at hindi si Liza dahil isa itong Viva artist at ito raw talaga ang personal choice ni Sen. Imee.
Sa ngayon ay walan namang pahayag ang dalaga ukol sa diumano’y offer sa kanya na maging parte ng pelikula.
Sa ngayon ay nasa South Korea si Liza base na rin sa mga Instagram posts nito.
May video rin na kumakalat sa social media kung saan kasama niyang sumasayaw ang Korean star na si Jay Park habang ginagawa nila ang #NeedToKnowChallenge.
Related Chika:
Diego Loyzaga parang naka-jackpot sa pagganap bilang Bongbong Marcos: Tawagin n’yo rin po akong loyalist!
Liza Soberano wala nang kontrata sa ABS-CBN, tutuloy pa kaya bilang Kapamilya?
Hayden Kho naglabas ng ‘resibo’ para patunayang magdyowa pa rin sina Liza Soberano at Enrique Gil