‘PAGDODROGA’ raw ni CLAUDINE sa harap ng mga ANAK pinatotohanan ni RAYMART | Bandera

‘PAGDODROGA’ raw ni CLAUDINE sa harap ng mga ANAK pinatotohanan ni RAYMART

Cristy Fermin - September 25, 2013 - 05:27 PM

Siguradong nawindang ang kampo ni Claudine Barretto nang ihain na ni Raymart Santiago ang kanyang mga depensa at ebidensiya bilang pagtatanggol sa kanyang sarili sa mga ibinabatong akusasyon laban sa kanya ng aktres.

Kung nu’n ay si Claudine ang sugod nang sugod at nananatiling tahimik lang ang kanyang mister, nang mapuno na si Raymart at sa kanyang pakiramdam ay parang nawawala na sa tamang huwisyo ang ina ng kanyang mga anak ay kinailangan na niyang kumilos, isinumite niya sa korte ang mga larawan at iba pang ebidensiyang magdidiin kay Claudine.

Ang sabi nu’n ni Claudine ay mabigat daw ang mga kamay ni Raymart, binubugbog daw ito ng aktres, meron pa ngang mga larawang ipinakita si Claudine na magpapatotoo sa kanyang mga sinasabi.

Pero sa resbak ni Raymart ay nagulat ang mas nakararami, si Claudine pala ang mahilig manakit kapag nagtatalo silang mag-asawa, naging ebidensiya ang mga retrato ng aktor na puro kalmot at sugat ang iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.

Inilabas na rin ni Raymart ang kuwento na nagdodroga si Claudine kahit sa harap ng kanilang mga anak, pati ang pagkakaospital nu’n ni Claudine nang dahil sa droga ay naisumite ng aktor, meron pang retrato si Claudine na nagsasaksak ng ipinagbabawal na substance.

Ngayon na ang pinakamatinding anggulo ng away ng mag-asawa, napaluha si Raymart pagkatapos niyang ipagtanggol ang kanyang sarili, hindi kasi niya inasahan na hahantong sa ganito katinding punto ang dating maayos nilang relasyon.
Haaaay, naku!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending