Kryz Uy nagpasalamat sa successful operation ni Baby Sevi: Our brave little boy is recovering

Kryz Uy nagpasalamat sa successful operation ni Baby Sevi: Our brave little boy is recovering

LABIS ang pasasalamat ng social media influencer na si Kryz Uy dahil naging successful ang surgery ng kanilang baby ni Slater Young na si Sevi.

Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi niya ang mga larawan ng anak na unti-unti nang nagpapagaling.

“Thank you Lord and all of Sevi’s doctors and care givers for the successful surgery and to the skyfam for the prayers and well wishes. Our brave little boy is recovering well,” saad ni Kryz.

Matatandaang noong nakaraang linggo, July 17 nang ibahagi ng social media influencer sa kanyang vlog na kinakailangan ng kanyang seven-week-old son na sumailalim sa operasyon dahil sa inguinal hernia.

“Unfortunately, we discovered that Sevi has [an] inguinal hernia and it needs to be operated on,” pagbabahagi ni Kryz.

“Whenever he cries, it triggers the hernia to bulge out and I know he’s not supposed to experience pain when that happens, but it still hurts my heart to see it,” pagpapatuloy pa niya.

Agad na nagpunta sa ibang ospital ang mag-asawa para magpa-second opinion sa lagay ng anak ngunit parehas lang ang ibinigay na diagnosis at sinabihan sila g kinakailangan na itong operahan agad.

Napayapa naman ang puso ni Kryz nang malaman na hindi naman rare disease ang tumama sa anak at kumpyansa naman ang mga doktor na nakausap nilang magiging okay ang resulta ng surgery kay Baby Sevi.

“I keep telling myself that I can’t be the mentally praning, scatter-brained mom. I have to be present and I have to be strong for Sevi,” pagpapaalala niya sa sarili.

Ikinagulat raw nila ni Slater ang naging balita na may hernia ang kanilang baby dahil akala nila healthy ito nang ipanganak.

“Slater and I were saying [that] this whole thing with Sevi getting hernia, it caught us by surprise. We thought that Sevi is a healthy baby boy. But I realized that I’m still so incredibly thankful in spite [of] all that has happened, because at the end of the day I still have one of life’s greatest luxuries, which is to be able to spend time with my kids,” pgkukwento pa ni Kryz.

Bumuhos naman ng pagmamahal ang comment section ng post ni Kryz mula sa kanilang mga kaibigan, kapamilya, at mga tagasuporta na nagmamahal rin sa kanilang mga anak.

“Precious baby, praying for a fast recovery for him,” saad ni Katarina Rodriguez.

Comment naman ni Vern Enciso, “Aww such a brave boy! You are loved Sevi!”

Sa ngayon ay naka-focus sila sa pag-aalaga at pagtingin kay Baby Sevi para sa mas mabilis nitong paggaling.

Related Chika:
Kryz Uy, Slater Young magkaka-baby no. 2 na!

Kryz Uy ipinanganak na ang kanilang baby no. 2 ni Slater: He made it!

7-week-old baby nina Slater Young at Kryz Uy kailangang operahan agad dahil sa ‘hernia’

Read more...