Raketerong delivery rider nagtapos ng kolehiyo 'with Latin honors': Hindi ko talaga napigilang umiyak! | Bandera

Raketerong delivery rider nagtapos ng kolehiyo ‘with Latin honors’: Hindi ko talaga napigilang umiyak!

Ervin Santiago - July 19, 2022 - 07:33 AM

Francis Jan Ax Valerio

PINUSUAN at ni-like ng libu-libong netizens ang madamdaming Facebook post ng isang delivery rider na naka-graduate na sa college — with flying colors.

Binati nang bonggang-bongga ng kanyang mga FB followers ang working student na si Francis Jan Ax Valerio na kung anu-anong trabaho at raket ang pinasok para lang masustentuhan ang pag-aaral.

Hindi kasi basta gumradweyt si Francis sa kolehiyo, nagtapos siyang Magna Cum Laude sa Adamson University with a degree in Bachelor of Arts in Communication.

Ayon kay Francis, bukod sa pagiging delivery rider sa umaga, nagtrabaho rin siya bilang virtual assistant sa gabi habang tinatapos ang kanyang kurso.

“High school ako noong mamulat ako sa hirap ng buhay.  Nagtinda ako noon ng suman at graham balls sa school.

“Gumawa din ako ng mga assignments at activities ng mga kaklase ko kapalit ng konting halaga para lang may pang-baon ako sa eskwela.

“Hanggang sa naging service crew, call center agent, delivery rider, VA, at iba’t ibang klase ng raket ang pinasok ko para lang kumita ng pera,” simulang pahayag ng binata.

Nang malaman daw niya na ga-graduate siya with Latin honors sa Adamson University, talagang hindi siya makapaniwala kaya naman abot-langit ang pasasalamat niya sa Diyos.

“Hindi naging madali ang lahat. Magdeliver umaraw man o umulan, mapuyat sa gabi para pumasok sa isa pang trabaho, sabay na din dun ‘yung paggawa ng mga school works.

“Kaya nu’ng nalaman kong ga-graduate ako ng may latin honor eh hindi ko talaga napigilang umiyak dahil alam kong naging sulit lahat,” aniya pa.

“Sulit ang pagbibilad sa ilalim ng tirik na araw, sulit lahat ng luha kasabay ng pagbyahe sa gitna ng malalakas na ulan, sulit lahat ng puyat maipasa lang ang mga kailangan ipasa sa eskwela,” dagdag pa ni Francis.

Sa huling bahagi ng kanyang FB post, nagpasalamat din siya sa kanyang pamilya at sa lahat ng taong tumulong sa kanya para maabot ang kanyang pangarap.

“Maraming maraming salamat sa aking pamilya sa suporta na ibinigay nila sa akin.

“At higit sa lahat, maraming salamat sa Panginoon sa pagbibigay sa akin ng malakas na pangangatawan, lakas ng loob para suungin lahat ng problema upang makamit itong tagumpay, at sa paggabay sa akin sa araw-araw hindi lang sa byahe sa kalsada kundi pati na rin sa byahe ng buhay,” pahayag pa ni Francis.

https://bandera.inquirer.net/280243/juday-umamin-super-crush-noon-si-francis-m-patay-na-patay-ako-sa-kanya

https://bandera.inquirer.net/288793/robin-saludo-sa-mga-delivery-rider-may-doctorate-diyan-pero-panggugulang-at-panloloko-naman-ang-ginagawa

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/280243/juday-umamin-super-crush-noon-si-francis-m-patay-na-patay-ako-sa-kanya

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending