Imee Marcos: Malacañang is only a place, hindi naman big deal na nakabalik kami ang mahalaga yung apelyido ng tatay ko | Bandera

Imee Marcos: Malacañang is only a place, hindi naman big deal na nakabalik kami ang mahalaga yung apelyido ng tatay ko

Ervin Santiago - July 19, 2022 - 07:45 AM

Vic del Rosario, Imee Marcos at Darryl Yap

IPINAGDIINAN muli ni Sen. Imee Marcos na “factual” at walang “fantasy telling” na nangyari sa pagbuo ng kontrobersyal na pelikulang “Maid in Malacañang”.

Present ang senadora sa ginanap na bonggang grand mediacon ng upcoming Viva Films movie sa Manila Hotel kamakalawa na dinaluhan ng halos lahat ng cast members.

Si Imee ang nagsilbing prime consultant ng pelikula na idinirek ni Darryl Yap dahil siya nga ang nakakaalam ng mga detalye at kaganapan sa buhay ng kanilang pamilya na isinalin sa movie.

Ito yung last three days ng Marcos family sa Palasyo ng Malacañang bago sila magtungo sa Hawaii at habang nangyayari ang EDSA 1986 revolution.

“The problem with this story is we all know it ended and what happened 36 years down the line,” pahayag ni Sen. Imee sa harap ng media.

“Alam natin lahat, so there’s no leeway for falsehood, untruth, reimagining or fantasy telling. Kailangan makatotohanan,” aniya pa.

Nauna nang sinabi ng senadora na wala silang planong baguhin ang history, “Hindi namin binabago ang kasaysayan. Dinagdagan lang namin ng impormasyon.

“For me at sa aking pamilya, panahon na na magkuwento rin kami kung anong nangyari sa Malacañang nu’ng panahong ‘yon, ‘yung nalalaman namin,” aniya pa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by VIVA Films (@viva_films)


Inamin din ng kapatid ni Pangulong Bongbong Marcos na medyo nagdalawang-isip siya na isapelikula ang mga nangyari sa huling tatlong araw ng kanilang buhay sa Malacañang.

“It was a difficult process because so much of what happened was painful and traumatic. I did not want to relive that again.

“I also felt an obligation to tell our side of the story. Dapat ikwento din namin,” aniya pa.
Patuloy pa niya, “Malacañang is only a place. Ang totoo, galing na kami doon, ‘di naman big deal na nakabalik kami.

“Hindi sa minamaliit ko ‘yon, ang mahalaga yung apelyido ng tatay ko at pamilya namin na makaahon at makabangon,” sabi pa ni Sen. Imee.

Inilarawan bilang family drama-comedy, bibida sa movie sina Cesar Montano at Ruffa Gutierrez bilang sina late President Ferdinand Marcos at First Lady Imelda Marcos.

Nandiyan din sina Cristine Reyes as Imee Marcos, Diego Loyzaga as Bongbong Marcos, and Ella Cruz as Irene Araneta.

At ang tatlong gaganap na “maid in Malacañang” ay sina Karla Estrada, Elizabeth Oropesa at Beverly Salviejo.

Mapapanood na sa darating na August 3 ang “Maid In Malacañang”.

https://bandera.inquirer.net/316952/cristine-sa-pagganap-bilang-imee-marcos-ang-tindi-ng-pressure-pinag-aralan-ko-talaga-bawat-salita-at-kilos-niya-pati-ikot-ng-mata

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/318996/bakit-nainis-si-imee-marcos-sa-panggagaya-sa-kanya-ni-cristine-reyes-sa-maid-in-malacaang
https://bandera.inquirer.net/317016/darryl-yap-sa-maid-in-malacaang-gusto-ko-lang-maisapelikula-ang-sinasabi-kong-nawawalang-piraso-ng-ating-kasaysayan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending