Ex-Masterchef contestant kay Juday: Diskarte ghorl…palibhasa sa mamahaling culinary school nag-aral, e!

Ex-Masterchef contestant kay Juday: Diskarte ghorl...palibhasa sa mamahaling culinary school nag-aral, e!

NAG-REACT ang dating “MasterChef Pinoy Edition” contestant na si Pebbles Cunanan sa naging pahayag ni Judy Ann Santos ukol sa naging dahilan kung bakit hindi na siya nag-a-upload sa kanyang YouTube channel.

Natanong kasi si Juday sa isang episode ng “Magandang Buhay” kung bakit hindi na ito gumagawa ng cooking vlogs dahil January 2022 pa ang huling upload niya sa Judy Ann’s Kitchen.

“Hindi naman sobrang busy. Ang hirap kasing mag-isip ng mga episodes especially kung ang pagtaas ng presyo ng bilihin ay napakalala. Ayokong hindi maka-relate ‘yung viewers sa kung anumang lutuin ang gagawin ko kasi parang napaka-unfair naman,” sagot ni Juday.

“Ayoko lang na parang masabihan ako na, ‘luto ka nang luto, ‘di naman namin magagawa ‘yan.’ Hindi naman ako pumapatol pero after lang din ako doon sa reality ba,” dagdag pa niya.

Hindi naman napigilan ni Pebbles ang mag-react sa sinabi ni Judy Ann.

Aniya, “Diskarte ghorl… mag-isip ka ng mga puwede mong ipalit na ingredients juicemio… palibhasa sa mamahaling culinary school nag-aral e.”

Chika pa ni Pebbles, dapat daw ay isantabi na muna ni Juday ang mga natutunan niya sa culinary school at diskartehan ang imgredients na dapat iluto.

“Juday wag lang mag-base sa mga natutuhan sa culinary school. Ang pagtaas ng mga bilihin normal ‘yan, ang hindi normal yung CHEF ka tapos hindi mo alam dumiskarte ng mga puwede mong gamiting ingredients sa pagluluto,” sey nito.

Idinamay pa nga ito sa komento si dating Vice President Leni Robredo.

“Paano kung mumurahing ingredients ang gagamitin mo, mapapasarap mo kaya yung lugaw ni Leni…chozzzzz… Tabehhhhh…turuan kita… bet mo… aaay magaling ako magluto nohhhh…” dagdag pa ni Pebbles.

Sumali noon sa reality cooking series na “MasterChef Pinoy Edition” si Pebbles kung saan nagsilbing host at judge si Judy Ann kasama ang iba pang judge chefs na sina Fernando Aracama, Rolando Laudico at JP Anglo.

Sa kasamaang palad ay natalo sa kompetisyon si Pebbles at si JR Royol ang itinanghal na panalo.

Samantala, wala pa namang inilalabas na pahayag si Judy Ann hinggil sa komento sa kanya ng dating contestant ng “MasterChef Pinoy Edition”.

Related Chika:
Judy Ann Santos tigil muna sa cooking vlogs dahil sa pagtaas ng bilihin: Ayokong hindi maka-relate ‘yung viewers

Sarah pinabilib ang mga teacher sa culinary school: Magaling din ang kamay niya sa cake decorating, she is a fast learner

Lutong Pinoy gustong ipakilala ni Loren Legarda sa buong mundo

Read more...