Ciara Sotto sa mga may partner na cheater: Ihatid mo sa pintuan palabas, sipain mo pa!

Ciara Sotto sa mga may partner na cheater: Ihatid mo sa pintuan palabas, sipain mo pa!

GOOD vibes ang dala ng latest vlog ni Ciara Sotto kung saan sinagot niya ang mga tanong na ipinadala sa kanya ng mga followers niya.

Ilan sa mga tanong na sinagot ng anak ni Tito Sotto ay patungkol sa dati nitong asawang si Joe Oconer.

“How are you and Crixus’ dad?” tanong ng isang netizen.

“We’re good friends, okay? I think we’re co-parenting well,” sagot ni Ciara.

So Crixus ang nag-iisang anak ng actress turned vlogger na ngayon ay 7 years old na.

 

Sa kabila ng hindi magandang paghihiwalay ay mukhang nagdesisyon ang dalawa na maging mabuting magkaibigan para na rin siguro sa kapakanan ng kanilang anak.

Matatandaang January 2016 nang ibahagi no Ciara na nilisan na nilang mag-ina ang kanilang bahay.

Para sa mga hindi aware, si Joe ay ang chief operating officer at chief financial officer ng APT Entertainment, isang TV-film company.

Ilan pa sa mga naitanong kay Ciara ay kung may boyfriend na ba ito.

Maririnig naman sa background ang matinding pagtutol ng kanyang anak sa ideya ng pagkakaroon niya ng karelasyon.

“NEVER!” saad ni Crixus.

“Grabe ‘yung anak ko! Doon ka nga. Grabe ayaw akong magka-bf,” natatawang sabi ni Ciara sa anak.

Tanong pa niya, “Paano kung meron na?” at sinagot naman siya nitong muli ng “Ew!”

Natanong rin si Ciara kung paano siya nakikipag-deal sa cheating na matapang naman niyang sinagot.

“I can’t deal with cheating. So if the guy cheats, goodbye! Bigay niyo na sa kanila kung ayaw na nila sa iyo. Bye!” diretsahang sey ni Ciara.

Pabirong payo pa niya, “Kung gusto na nila umalis, ihatid mo sa pintuan, palabas. Sipain mo pa. Joke lang.”

Sa kabila ng pagiging single ay aminado naman si Ciara na masaya siya ngayon sa kanyang buhay.

Related Chika:
Ciara Sotto wala pa ring swerte sa lalaki, hiwalay na sa dyowang Fil-Am

Anak ni Ciara na-hurt nang maghiwalay sila ng dyowang Fil-Am: Pero alam niyang hindi yun ang dad niya

Read more...