MASAYANG ibinahagi ng dating aktres na si LJ Moreno at asawa nitong Stockton Kings assistant coach na si Jimmy Alapag ang balita na muli na naman silang madadagdagan ng isa pang anghel sa pamilya.
Inanunsyo ng dalawa ang masayang balita sa pamamagitan ng kanilang YouTube vlog na uploaded noong Linggo, July 10 na buntis na nga ang dating aktres sa kanilang ikaapat na anak.
“I’m now almost 13 weeks [pregnant]. Hinintay muna na namin na matapos ‘yung third trimester [bago namin sabihin] because I actually had two miscarriages,” pagbabahagi ni LJ.
Aniya, hindi raw lahat ay aware nang magkaroon siya ng miscarriage noong December 2021.
“We did not announce it on the vlog. I actually had another miscarriage after the one nung before kami lumipat here sa States. I had it just last year, around December,” pagpapatuloy ni LJ.
Aniya, inilihim daw muna nila ito sa kanilang mga anak dahil labis na naapektuhan ang mga ito nang makunan siya noong nakaraang taon.
“We kept it because our kids, especially si kuya, sobrang affected siya when I had the first miscarriage. So we wanted to make sure na sure muna before namin ina-announce,” sey ni LJ.
Dagdag pa niya, “So far, everything looks good. The baby’s heartbeat is normal, everything looks normal. I did some labs [but] I’ll do more labs and tests on the 20th week so please keep us in your prayers.”
Hindi rin kasi magiging madali ang pagbubuntis ni LJ lalo na’t 41 years old na siya kaya naman nakikiuusap ito na sana’y isama siya at ang kanilang baby sa mga prayers ng mga netizens.
“Please keep me in your prayers, me and Jimmy, and the kids, that this whole pregnancy will go smoothly,” hiling ni LJ.
“‘Cause I have been feeling really sick. Medyo bumabalik na unti-unti yung energy ko pero on-and-off pa rin. Hindi ako makatagal nang nakatayo. Lagi na lang ako nakahiga,” pagpapatuloy niya.
Labingdalawang taon na ring kasal sina LJ at Jimmy at kasalukuyang may tatlong anak. Ito ay sina Ian, Keona, and Calen.
Nagdesisyon naman sila na mag-migrate sa US noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic.
Related Chika:
LJ Moreno nakunan sa ika-4 sanang anak nila ni Jimmy Alapag: The baby stopped…
Relasyon nina LJ Moreno at Jimmy Alapag kinaiinggitan
LJ Moreno ninakawan nang maglipat-bahay sa US: Nag-pray na lang ako nang bonggang-bongga!