HOROSCOPE September 25, 2013 | Bandera

HOROSCOPE September 25, 2013

Madam Sophia - September 25, 2013 - 03:00 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Panahon ngayon ng mga Libra. Ibig sabihin kusang maghahari sa buhay mo ang pag-ibig. Sa pinansyal, tandaang kapag “laging in love” ay mas maraming salaping makakamit. Mapalad ang 6, 18, 27, 33, 43, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Patrenan-Om-Ayena.”    
Aries – (Marso 21-April 19)— Kung balak magnegosyo ay ngayon na ang panahon. Sa pag-ibig, kumbinsihin ang kasuyong Libra na magsosyo kayo ng produktong may kaugnayan sa Holiday Season na darating at mga pagkain. Mapalad ang 3, 12, 24, 33, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Pulkasa-Om-Kirata.” Maroon at beige ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)— Ang pagpapakabait at mababang loob ay mabuti, pero ang masama kung naisasakripsiyo mo na ng hindi mo namamalayan ang budget ng iyong pamilya. Hindi masamang magpautang, pero unahin muna ang kapakanan ng mga mahal sa buhay. Mapalad ang 7, 9, 15, 24, 33, at 42. “Om-Mohaya-Om-Mitra.” White at blue ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)— Sa pagiging tapat at totoo ay dagdag na ligaya ang makakamit. Sa pinansyal, suwerte sa produktong dini-deliver at inilalako, gayon din sa mga kalakal na kumikislap, kumikinang at may magaganda at nakakaakit na kulay. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 41 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dosya-Gayatri-Om.” Silver at yellow ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)—Tubig ang iyong ruling element. Kaya sa sandaling iniyakan o binigyan mo ng kaunting luha ang anumang nais makamit, sa salapi man at pag-ibig sa pamamagitan ng luha tiyak na ito ay ibibigay sa iyo ng tadhana. Mapalad ang 3, 15, 18, 21, 29, 34 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Jiva-Om-Gosvami.” Green at white ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)—Panahaon na upang mag-isip ng malaking layunin para sa sarili mo at sa iyong pamilya. Ang pagkakaroon ng sariling sasakayan o kaya’y house and lot, puwede ring layunin ang magka-savings ng P1 milyon. Kapag nagawa mo ‘yan, kusang maayos ang buhay. Mapalad ang 1, 4, 27, 36, 39, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Kubera-Om.” Red at lilac ang bueans.
Virgo – (August 23 – September 22)—Maraming suwerte ang darating, pero dapat mo itong ingatan dahil kasabay ng suwerte ang mga tukso ng kaimoralan. Kapag nanatili kang matuwid at mabuti, mananatili din sa iyo ang bonggang-bonggang suwerte. Mapalad ang 7, 18, 27, 34, 38 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Kebalam.” Yellow at green ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)—Dahil panahon ngayon ng mga Libra, higit na mas maraming suwerte at magagandang kapalaran ang kusang matatanggap ngayon at sa susunod na mga araw sa pag-ibig at sa pinansyal, basta’t wag ka lang mang-aaway. Mapalad ang 3, 9, 10, 19, 34 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Jagat-Guro-Om.” Beige at marron ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—Tama lang ang iyong ginagawa, hindi dapat mang-api at hindi ka rin dapat paapi. Habang inuuna ang kapakanan ng mga inaapi, kusang darating ang maraming suwerte, higit lalo sa pag-iibig at sa salapi. Mapalad ang 7, 11, 19, 23, 26, at 45. Mahiwaga mong mantra:  “Aum-Avayara-Om-Beeja.” Pink at purple ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)— Magtiis hangga’t kaya pa! Ganyan talaga ang bida sa mga telenobela, inaapi at binubugbog sa umpisa. Subalit sa sandaling umedad ka ng 33 o kaya’y 42, kusa nang gaganda ang iyong kapalaran sa pag-ibig at pinansyal. Mapalad ang 6, 14, 22, 31, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Gorocha-Om.” Brown at gray ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—Ang unti-unting pagkaubos ng salapi sa ngayon ang maghahatid sa lubos na pagyaman sa darating na mga araw. Sa pag-ibig, ang kabiguan ngayon ay lihim na daan upang matagpuan ang isang mas maligayang ka-relasyon.  Mapalad ang 4, 7, 19, 24, 34, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Joviyo-Om-Krato.” Gold at lilac ang benas.
Aquarius – (January 20 – February 18)— Kung bigo man sa pag-ibig at pakikipag-relasyon, ituon ang buhay sa salapi. Walang dapat gawin sa ngayon kundi ang magpayaman. Sa pag-ibig kapag mayaman ka na, masasabi mo sa karanasan mong:  “Tama ako, nabibili din pala ang pag-ibig!” Mapalad ang 7, 15, 23, 34, 45 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Bhagava-Githa-Om.” Yellow at pink ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)— Kakapusin ka na naman sa salapi na lagi namang nangyayari. Ang pinakamabuting gawin ngayon ay magtipid. Alalahaning malapit na ang Pasko. Sa pag-ibig, magpatago ng kaunting halaga sa kasuyong kuripot. Mapalad ang 7, 20, 22, 27, 34 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Govinda-Keh-Balam.” Green at red ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending