Nadine matapos manood ng Conjuring: Naglilinis ako ng kuwarto tapos ‘yung cabinet ko biglang bumukas, tumakbo ako palabas!
MULA nang bumalik si Nadine Lustre sa paggawa ng pelikula sa Viva Films ay naging choosy na siya sa pagtanggap ng role.
Kaya naman nang i-offer sa kanya ni Direk Mikhail Red ang “Deleter” ay kaagad niyang tinanggap dahil gusto nga niya ang kuwento.
Sabi ni Nadine ang dalawang dahilan kaya siya napa-oo sa “Deleter” ay dahil kay direk Mikhail at sa story ng pelikula.
“Ayaw ko po kasi ‘yung jump scare lang tapos nakakatakot lang. Sobrang nae-enjoy ko kapag ‘yung pelikula mayroong back story o malalim na kuwento.
“Yung isa rin kasi sa mga favorite movie ko na psychological horror merong after effect, so, ‘yung mga pelikulang after ilang days kong panoorin merong kang iisipin.
“Kaya after kong panoorin ‘yung favorite kong film lumilingon ako kung may tao kasi merong ganu’n ending sa film,” pahayag ni Nadine.
Sa tanong kung ano ang mas gusto ng aktres, commercial o non-conventional movie, “I guess I will always go for both kasi pag paulit-ulit ‘yung genre ng ginagawa mo medyo nakakasawa na, sobrang redundant na rin saka hindi na challenging kasi alam ko na ang gagawin ko na ganito o ganyan lang ‘yan.
View this post on Instagram
“So, I always choose projects that are challenging kasi I want to challenge myself. Gusto ko po kasi ‘yung nahihirapan ako. Gusto ko po ‘yung nasa labas ako ng comfort zone ko kasi I know that, that’s growth, eh.
“You’re given the chance to try different roles, different kinds of films and for me po kasi at the end of the day I feel like more than doing it for the fans, I’m doing it for myself. Iba po kasi ‘yung feeling na I guess proud ka sa ginawa mo after mong panoorin ‘yung pelikula,” paliwanag ni Nadine.
Ang horror movie na may matinding effect kay Nadine, “Dalawa, ‘yung It Follows (2014 supernatural psychological film), ito ‘yung film na after kong mapanood lagi akong lumilingon, tsine-tsek ko kung may sumusunod sa akin
“Yung isa po sobra sa hype, ‘yung Conjuring high school yata o college ko napanood ang ganda ng marketing no’n kasi paglabas mo ng sinehan may pari na nagbabasbas sa ‘yo. Ha-hahaha!
“May eksena rin kasi na bumubukas ‘yung cabinet tapos may pumalakpak kasi na-experience ko po ‘yun after ko panoorin ‘yung pelikula after a couple of days.
“Naglilinis ako ng kuwarto tapos ‘yung cabinet ko biglang bumukas mag-isa after three seconds tumakbo ako palabas. ‘Yun po ang pinakatumatak sa akin,” aniya pa.
Aminado naman ang aktres na matatakutin siya pero gustung-gusto niyang pinapanood ang horror films dahil, “Gusto ko pong tinatakot ang sarili ko.”
Dagdag pa, “Most of the time po ang kasama kong manood ay either ‘yung brother ko or friends. Pag friends po masayang manood kasi nagdyo-joke kami niloloko namin ang film, enjoy lang. Siguro kasi born (October 31) on Halloween kaya mahilig ako sa horror films.”
Magsisimula nang mag-shoot sina Nadine kasama sina Mccoy de Leon at Louise delos Reyes ng “Deleter” mula sa panulat at direksyon ni Mikhail Red for Viva Films at hoping sila na mapanood ito sa big screen with bonggacious premiere night.
https://bandera.inquirer.net/313358/nadine-inasar-ng-hater-sa-pagkatalo-ni-vp-leni-i-have-no-regrets-and-will-forever-stand-by-it
https://bandera.inquirer.net/296416/nadine-sinupalpal-ang-netizen-naghahanda-sa-pagbabalik-pelikula
https://bandera.inquirer.net/297395/cristy-muling-binanatan-si-nadine-wala-akong-planong-panoorin-siya
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.