Kathryn, Daniel da best na role model sa mga kabataan; matulungin, marespeto, magaling makisama sa mga katrabaho Bandera

Kathryn, Daniel da best na role model sa mga kabataan; matulungin, marespeto, magaling makisama sa mga katrabaho

Ervin Santiago |July 12,2022
share this

Kathryn, Daniel da best na role model sa mga kabataan; matulungin, marespeto, magaling makisama sa mga katrabaho

Ervin Santiago - July 12, 2022 - 07:59 AM

Romnick Sarmenta, Kathryn Bernardo, Daniel Padilla at Cris Villanueva

TODO ang papuri nina Romnick Sarmenta, Cris Villanueva at iba pang cast members ng “2 Good 2 Be True” ang bida ng serye na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Hindi lang daw magagaling na artista ang reel and real life couple kundi mga super professional pa sa kanilang trabaho at napakagaling makisama sa lahat ng klase ng tao.

Sabi ni Romnick na isa ring dating matinee idol, “Bilang tatay, naaaliw ako sa kanilang dalawa.

Iniisip ko minsan, kung sino man sa kanila ang anak ko, matutuwa ako. Sila magkasama most of the times dahil nagsusuportahan sila. Nag-aalagaan silang dalawa.

“Pagdating sa hotel, nakikita namin wala silang pinipili na kasama. May mga nakita na rin kasi ako sa trabaho na iwas sa iba. Walang ganun sa KathNiel,” dagdag pa ni Romnick na gumaganap bilang tatay ni Eloy (Daniel) na si Fred.

Sang-ayon din si Cris na gumaganap naman bilang Capt. Rosales sa sinabi ni Romnick. Bukod nga raw sa pagiging magaan nitong katrabaho, bilib na bilib siya sa pag-portray nina Kathryn at Daniel sa kani-kanilang karakter.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kathryn Bernardo 🐘 (@bernardokath)


“Agree ako sa lahat ng sinabi ni Romnick. Maganda na yung script tapos the way they are doing it, mapapaniwala ka talaga. Yung pagiging matulungin naman ni Eloy, nakikita talaga namin sa kanya (DJ).

“Aalamin niya yung problema at ita-try niyang gawan ng paraan. Idi-discuss niya in real life. Magaan sila katrabaho,” saad ni Cris.

Honored at blessed naman sina Matt Evans, Gillian Vicencio, Bianca de Vera, Pamu Pamorada, at Alyssa Muhlachna mapabilang sa hit serye at makasama ang KathNiel.

Samantala, tuloy tuloy naman ang pagtre-trend at pagiging number 1 series ng “2 Good 2 Be True” sa iWantTFC at consistent din silang nasa top 2 ng Netflix Philippines.

Kapit na kapit na ang viewers sa serye lalo pa at mukhang nagkakalapit na ang loob nina Ali at Eloy sa isa’t isa.

Kahit pa nga napilit nilang papuntahin si Hugo (Ronaldo Valdez) sa taunang stockholders’ meeting, patuloy pa rin ang suspetya ng board members pati na si Jill (Alyssa) sa kondisyon ng may-ari ng Horizon Grand.

Sa susunod na episodes, gagawin nga nina Ali at Eloy lahat para tulungan itago ang tunay na sakit ni Hugo. Ngunit magiging mahirap ito sa dalawa lalo pa at pina-iimbestigahan na ni Helena (Gloria Diaz) ang pagpasok ni Eloy sa buhay ng kanyang kuya. Bakit kaya mainit ang dugo ni Helena kay Eloy? Ano kaya ang koneksyon ni Helena kina Eloy at Fred?

Hugot ni Daniel: Huwag masyadong magpaapekto sa nakaraan, dapat matuto kang mag-move on

OK lang ba kina Agot, Nikki at Romnick na magkaanak ng bading o lesbian?

Cris Villanueva COVID survivor: Feeling ko mawawala na ako, gusto ko nang magbilin sa family ko

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending