Cristy Fermin 1 week mawawala sa online show para magpaopera; tatanggalin ang polyps na nakabara sa lalamunan | Bandera

Cristy Fermin 1 week mawawala sa online show para magpaopera; tatanggalin ang polyps na nakabara sa lalamunan

Reggee Bonoan |July 11,2022
facebook
share this

Cristy Fermin 1 week mawawala sa online show para magpaopera; tatanggalin ang polyps na nakabara sa lalamunan

Reggee Bonoan - July 11, 2022 - 10:51 AM

Romel Chika, Cristy Fermin at Morly Alinio

PIGIL na pigil ang pagtawa namin nang dumating kami sa shoot ng “Showbiz Now Na” vlog nina Nanay Cristy Fermin, Romel Chika at Morly Alinio sa Obra ni Nanay Gallery sa Scout Gandia nitong Sabado na ia-upload isa sa mga araw na ito.

Bawal kasi ang maingay habang nagsu-shoot sila na dire-diretso at walang cut ang direktor nila na aabot sa mahigit kalahating oras kada episode.

Si Morly ang laughing stock sa tatlo dahil namamali minsan ng pagbigkas ng mga pangalan ng mga kilalang personalidad na itatama naman nina Romel at ‘Nay Cristy pero kasi ang ganda ng “bitaw” ng una kaya mapapatawa ka nang husto.

Bukod dito ay pinagi-English ni ‘Nay Cristy si Morly na kahit hirap ay pinipilit niyang makabuo ng isang sentence bagay na gusto ng kanilang subscribers dahil lagi pala itong nire-request every episode dahil nakakatanggal daw ng stress.

Sa isang linggo ay nakakadalawang beses silang mag-shoot para sa apat na episodes pero simula itong linggong darating ay baka magtatlong beses sila para makarami ng bangko dahil isang linggong mawawala si Nanay Cristy para magpaopera.

Ilang beses din naman niyang inanunsyo ito sa “Showbiz Now Na” at sa radio program niyang “Cristy Ferminute” na sa Agosto ay ma-admit siya sa hospital para tanggalin ang kanyang polyps na nakabara sa kanyang lalamunan na dahilan kaya siya paos.

Isa ito sa napag-usapan namin ng batikang manunulat na dalawang araw siyang mananatili sa ospital at magpapahinga ng isang linggo as in bawal siyang magsalita.

Inalam namin kung safe pa ba siyang operahan, “Oo anak, ‘yan talaga ang tinanong ko rin, sabi ng doktor, e, sandali lang naman daw,” say ni Nanay Cristy.

Inalam namin kung gagamitan ba ito ng laser, “Baka hindi na kayanin, kasi di ba ‘yung laser ipapasok dito (lalamunan) tapos, e, parang hindi ganu’n ang gagawin.”

Sa “SNN” ay makakapag-advance siya at ang iniisip niya ay ang “Cristy Ferminute” nila ni Romel kasi live silang umeere sa Radyo5 92.3 News FM tuwing 1 p.m..

“Nag-iisip pa kami ni Romel sino ang kapalit sobrang nagpapasalamat nga ako sa TV5 kasi imagine nakakapag-promote kami ni Romel ng SNN kaya abut-abot talaga ang pasalamat ko kasi sila ang kumuha sa akin noong nawala ako sa kabila (ABS-CBN).

“Kaya mahal na mahal ko ang programang CFM kaya talagang nagbibigay kami ng maiinit na balita ro’n tapos itatalakay din namin dito sa SNN,” pahayag ng online host at content creator na ngayon.

As of this writing ay nasa 232,000 subscribers na sila at ang bawa’t episodes ay hindi bumababa ng 300,000 views ang “SNN” kaya binabati namin ang tatlo.

“Marami kaming dapat pasalamatan, unang-una ang mga subscribers namin na walang sawang nanonood lalo na sa ibang bansa kasi magkakaiba ang oras na talagang inaabangan nila.

“Tapos sa lahat ng mga anak-anakan kong reporters na nanonood din at isinusulat naman ito sa kani-kanilang mga kolums, mga ibang vloggers na dinadampot sa kanilang YouTube at talagang napag-uusapan ang bawa’t topic namin dito kaya lagi kaming nagpapasalamat talaga sa bawa’t episode namin,” seryosong pahayag ni ‘Nay Cristy.

Napansin lang din namin ‘yung ibang nagyu-YouTube na dumadampot ng mga balita ay sana positibo ang titulo at huwag ibahin ang content ng pinagkuhanan.

“Click bait kasi tawag do’n,” sambit ng manunulat.

Anyway, habang nandoon kami ay ang daming mensaheng natatanggap si ‘Nay Cristy para sa pangalang bagay sa tandem nilang tatlo nina Romel at Morly.

Kung sino ang may magandang maisa-suggest na pangalan ay makakakuha ng premyo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Cristy Fermin umalma sa pag-alok ni Isko kay Joaquin para sa libreng booking: Hindi ko gusto ‘yun!

Cristy Fermin umalma sa pag-alok ni Isko kay Joaquin para sa libreng booking: Hindi ko gusto ‘yun!

Ellen Adarna nagpakabit ng IUD para hindi agad mabuntis ni Derek Ramsay

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending