Paolo Contis nagpasalamat sa kanyang ‘chef’, pinansin ang bagong hair style ni Yen Santos

Paolo Contis nagpasalamat sa kanyang 'chef', pinansin ang bagong hair style ni Yen Santos
PINASALAMATAN ng Kapuso actor na si Paolo Contis ang kanyang “chef” na nagbibigay sa kanya ng baon araw-araw.

Sa bago nitong Facebook post ay mang-upload siya ng kanyang selfie kasama ang mga pagkain niya.

“Everyday shoot… Everyday baon… thanks to my chef..!!” saad ni Paolo.

Mukhang everyday busog rin ang aktor dahil talaga namang napakaraming serving ng kanyang baon base sa mga larawang ibinahagi niya. At hindi tulad noon, hindi na niya pinangalanan kung sino ang nag-prepare ng kanyang mga pagkain.

Matatandaang nag-trending noon si Paolo nang mag-viral ang kanyang post kung saan nagpasalamat siya sa masarap na pa-kaldereta ng aktres na si Yen Santos.

Marami ang nang-bash sa kanila at iniintrigang may relasyon ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin naman kinukumpirma ng dalawa.

Makikita ri ang masayang kulitan nina Paolo at Yen sa comment section kaya mas lalo silang napag-usapan, idagdag pa na maraming entertainment sites ang nag-pick up ng kaniyang post.

Tila hindi pa rin nakakalimot ang mga tao sa kontrobersyang kinasangkutan nila noong nagdaang taon.

Isa sa mga naging mainit na topic ng mga “Marites” ang hiwalayan nina na Paolo at longtime partner na si LJ Reyes kung saan itinuro nilang “third party” si Yen dahil marami ang nakakita na magkasama ang dalawa sa Baguio.

Itinanggi naman ito ng aktor at sinabing nagkita lang sila doon sa Baguio “as a friend” dahil kinailangan niya ng kaibigan na makikinig sa kanya.

Naging close sina Paolo at Yen nang magsama sila sa Netflix movie na “A Faraway Land” na kinunan sa Faroe Islands.

Speaking of Yen, kamakailan ay ibinandera nito ang kanyang bagong hairstyle.

“Sometimes u just gotta take a hairfie or hairfies,” caption ng aktres.

Makikita namang nag-comment ang aktor sa kanyang post.

“Busy mag pictorial ha! [face with tears of joy emoji] mag luto ka naaaa..!!” sey ni Paolo.

Sa ngayon ay burado na ang komento ng aktor sa post ni Yen pero makikitang ni-like niya ang naturang post.

Related Chika:
Paolo Contis nagpasalamat sa ‘pa-kaldereta as a friend’ ni Yen Santos

Paolo Contis napikon nang mausisa ang pagpapadala ni Yen ng kaldereta: Bash sila nang bash!

Paolo Contis sinagot ang tanong ng mga ‘Marites’ kung totoong buntis si Yen Santos

Read more...