Philippine High School for the Arts nagsalita hinggil sa isyu ng 'pang-aabuso' sa loob ng paaralan | Bandera

Philippine High School for the Arts nagsalita hinggil sa isyu ng ‘pang-aabuso’ sa loob ng paaralan

Therese Arceo - July 07, 2022 - 08:26 PM

Philippine High School for the Arts nagsalita hinggil sa isyu ng 'pang-aabuso' sa loob ng paaralan

Photo grabbed from Philippine High School for the Arts Facebook Page

NAGLABAS na ng pahayag ang Philippine High School for the Arts ukol sa kumakalat na balitang talamak diumano ang pang-aabuso sa naturang paaralan.

Kasalukuyang usap-usapan ang government -run boarding school na matatagpuan sa Mt. Makiling, Los Baños, Laguna matapos umamin ng mga mag-aaral sa pang-aabusong naranasan nila sa loob ng eskwelahan.

Nitong Martes, July 5, nagsalita na ang kontrobersyal na paaralan hinggil sa inilabas na ulat ng Vice World News na appeal letter ng “89 current students and 79 alumni” ng PHSA.

Balak kasi ng grupo ng mga estudyante na maimbestigahan ang kawalan ng aksyon ng paaralan sa matagal nang reklamo patungkol sa “cultural abuse” na nangyayari dahil walang maayos na boundary sa pagitan ng mga mga guro, admin staff, at mga mag-aaral sa loob ng boarding school.

Iba-iba ang mga naging pahayag mg mga alumni ng PHSA pero lahat ito ay mga paraan ng naging karanasan nila ng pang-aabuso.

May isang nakaranas na pagawain ng love scene ng kanyang guro noong 12 years old pa lang siya.

May isa naman na nakaranas na maabuso ng kanyang senior nang pilitin siya nitong hawakan ang sensitibong parte ng katawan.

Mayroon ring nakaranas ng panghihipo ng kanilang dormitory guardian.

Sinubukan naman nilang ipaabot sa pamunuan ang kanilang mga hinaing sa talamak na abusong nararanasan pero tila hindi naman ito nalulutas dahil sa hirap ng proseso para iparating ang kanilang reklamo sa kinauukulan ng PHSA.

Panawagan ng mga ito, nawa’y maaksyunan ng pamunuan ng paaralan ang mga isyu at masiguro ng mga ito na magkaroon ng “safe space” ang mag-aaral lalo na at malapit na ulit ang pagkakaroon ng face-to-face classes sa bansa.

Samantala, nakikisimpatya raw ang Philippine High School for the Arts sa mga mag-aaral na naging biktima ng pang-aabuso sa loob ng paaralan pero hindi raw patas ang “sweeping generalization” na inilabas ng naturang artikulo sa eskwelahan bilang “haven for abuse”.

“It is unfortunate that in articles recently released by Vice News in social media, some of our alumni spoke abuses they experienced while being students. The PHSA management symphatizes with our alumni who complained of past abuses.

“While the complaints have been informed, through their representatives, to file complaints with the proper forums, the complainants are welcome to file their complaints with the designated committees.

“Please understand that the School, being an attached agency of the Dept. of Education, has to comply with government rules and regulations,” ayon sa official na pahayag na inilabas ng PHSA.

Pagpapatuloy ng management ng eskwelahan, “Rest assured, in dealing with disciplinary matters, PHSA has its own processes which have been duly recognized by the Civil Service Commission, Commission on Human Rights, the Cultural Center of The Philippines and the Department of Education.

“As felt by many of our alumni, teachers and staff, some of whom have worked at PHSA for more than 20 years, the sweeping generalization, as shown in the articles portraying the PHSA as haven for abuse, is unfair.

“PHSA, just like any other instution, is not perfect. But please be assured all our School personnel are working hand in hand towards providing our students a safe learning environment, whether online or in Makiling.”

Bukod rito, patuloy rin daw ang pagpapaalala ng school director n dapat gumamit ng “child-friendly material” alinsunod sa panuntunan ng MTRCB sa mga output ng mga estudyante.

Other Stories:
DepEd, planong magdagdag ng 1,800 school clinics sa bansa

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pilot testing ng balik eskuwelahan inaprubhan ni Pangulong Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending