INALMAHAN rin ng talent manager na si Ogie Diaz ang inihain na panukala ng isang mambabatas na palitan ang pangalan ng Ninoy Aquino International Airport.
Isa ang panukalang pagpapalit ng pangalan ng naturang paliparan sa mga trending topic sa social media.
At gaya ng mga netizens, maski si Ogie ay tutol sa panukalang inihain ni Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr.
Ang panukala kasing inihain ay naglalayong palitan ang pangalan ng NAIA at isunod ito sa pangalan ng dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Sey ni Ogie, “Kung papalitan, ibalik na lang sa Manila International Airport kesa sumipsip.”
Kung papalitan, ibalik na lang sa Manila International Airport kesa sumipsip. https://t.co/7vyrckRouW
— ogie diaz (@ogiediaz) July 5, 2022
Ayon naman sa kongresista, mas nararapat lang daw na ipangalan ang paliparan mula sa dating pangulo dahil raw sa naging kontribusyon nito sa bansa.
“It is more appropriate to bear the name that has contributed and [left a] legacy in our country to make the Philippines a center of international and domestic air travel, who has instituted and built or conceptualized the project,” saad ni Rep. Arnolfo Teves Jr.
Bukod kay Ogie, marami rin ang naglabas ng pahayag ukol sa kontrobersyal na panukala gaya nina Teddy Baguilat, Sen. Migz Zubiri, at dating Sen. Franklin Drilon.
“Most airports named after historical figures, heroic ones. Ninoy’s death sparked the Filipinos to rise and oust a dictator. Marcos Jr maybe back but that doesn’t belie the fact that Marcos Sr died a disgraced authoritarian,” saad ni Teddy Baguilat.
Para naman kay Sen. Zubiri, “Gawin na lang natin na Manila International Airport, balik na lang sa original… kasi siyempre yellow against red na naman yan, neutral na lang tayo.”
“I would like to believe that the incoming 19th Congress has more urgent things to do than to rename an airport, such as how to arrest inflation and address the surging oil prices.
“This obvious attempt for ingratiation is actually disfavoring to President Marcos Jr. It will not augur well with the call for unity of the Marcos administration. Leave NAIA alone,” sey naman ng dating senador.
Related Chika:
Mo Twister nag-react sa panukalang palitan ang pangalan ng NAIA
Ogie Diaz kay Ronnie Alonte: Parang nasa acting workshop stage pa rin siya
Megan, Mikael ‘umeksena’ sa airport, 2 buwan magkakahiwalay bilang mag-asawa