HINDI pinalagpas ni Janno Gibbs ang isang netizen na bumabatikos sa pamilya Aquino maging sa kasalukuyang kalagayan ng Queen of All Media na si Kris Aquino.
Isang netizen kasi ang nag-post ng larawan larawan ng pamilya Marcos na kuha sa nagdaang inagurasyon ni Pangulong Bongbong Marcos at larawan naman ng mga Aquino sa kanilang libingan kasama ang photo na ibinahagi Tetay sa kanyang naging latest Instagram update at may text na “Ang dalawang pamilyang umukit ng ating kasaysayan.”
Matatandaang nitong June 30 ay naglabas ng update si Kris ukol sa kaniyang kondisyon maging ang pagkakaroon nilang mag-iina ng COVID-19.
In-upload naman ni Janno ang screenshot ng post ng netizen sa kanyang Instagram account at napag-alaman pa nga niyang isa pala itong abogado.
Hindi rin makapaniwala ang aktor na hinahayaan ng Facebook ang mga posts gaya ng sa abogado na ma-publish sa kanilang platform.
“Pure evil. “To suggest that Kris Aquino is sick as a family curse and seemingly deserves it is just Pure Evil. No other words to describe,” saad ni Janno.
Dagdag pa niya, “And the language. This coming from a lawyer. Is this the Filipino today?”
Bukod sa pamilya Aquino, maging si Janno ay naging laman rin ng mga posts ng naturang abogado.
Ito ay may kaugnayan sa kanyang naging post ukol sa pagbabayad ng buwis na agad nag-trending at umani ng samu’t saring komento mula sa mga netizens.
Marami naman sa mga netizens ang sumang-ayon kay Janno.
“I agree! It’s unbelievable how low some Filipinos can go as paid trolls. And to be happy in other people’s misery is just sick. Kakalungkot,” saad ng isang netizen.
Comment naman ng isa, “Tbh (to be honest), this is very sad and alarming. They claimed to be “well mannered” but I think its the otherwise.”
“I don’t like the Aquinos but this is really foul and wrong, that Facebook account should be ban for life,” sey pa ng isa.
Related Chika:
Janno rumesbak sa nagsabing ‘kapit’ siya kay Leni Robredo para sa Kapamilya franchise: Banned po ako sa ABS-CBN!
Janno Gibbs nawalan ng 4k followers dahil sa politika