Female star halos isumpa ng mga katrabaho; feeling superstar na, hindi pa marunong makisama | Bandera

Female star halos isumpa ng mga katrabaho; feeling superstar na, hindi pa marunong makisama

Reggee Bonoan |July 06,2022
facebook
share this

Female star halos isumpa ng mga katrabaho; feeling superstar na, hindi pa marunong makisama

Reggee Bonoan - July 06, 2022 - 12:13 PM

Guess, guess who! Ma-gets n’yo kaya kung sino ang pasaway na aktres?

TRULILI kaya na maraming galit na supporting actor at supporting actress sa isang female celebrity dahil dalawang araw nitong pina-pack-up ang shooting ng pelikulang may malaki siyang papel?

Sumasakit ang ulo ng production team at mga co-actors ng nasabing aktres na wala pang napapatunayan sa showbiz pero uma-attitude na.

“Isipin mo dalawang araw pack-up, e, di walang kita ang mga artista, plus ang team. Pero naka-set up na tapos biglang nagsabi na hindi makakapag-shoot kasi may sakit daw.

“Parang nahingahan yata ito ni ____ (aktres na mahilig ding magpa-pack up) kasi kopyang-kopya, eh. Hindi naman sila nagkatrabaho pa, e, parang ka-xerox, eh,” kuwento ng aming source.

Bukod sa nagpa-pack up na nang dalawang araw, “Hindi namin alam kung tanga-tangahan lang ‘tong si ____ (aktres) o nananadya talaga sa mga pinaggagawa niya.”

Hindi kalakihan ang tent na standby area ng mga artista para sa isang project kaya ang dala nila ay saktong upuan na natutupi para pahingahan nila habang naghihintay ng eksena.

Nagulantang na lang ang ilang artistang nasa loob ng tent dahil nang dumating si aktres ay may dala itong malaking higaan na kinailangan ng malaking espasyo.

Kaya ang mga artistang dating prenteng-prente sa kanilang upuang natutupi ay kinapos na ng paglalagyan.

“Siyempre hindi naman makareklamo ang ibang naroon kasi bida nga itong si ____ (aktres) pero irita sila, um-over na raw sa attitude.

“Kung hindi nga lang daw nila kailangang kumita ay talagang iiwanan na nila ang shoot dahil sa ugali ng lola mo!” ang dire-diretsong kuwento sa amin.

Dagdag pa ng aming source, “Bait-baitan attitude ang lola mo, feeling innocent, pero ‘wag ka may tagong ugali. Noong bago palang siya at pawang support role palang nakitaan na pero dahil malakas sa management kaya feelingera.

“Alam mo isang araw pagkakaisahan ‘yan ng team at artists, maniwala ka sa akin. Wala namang ginawa kundi magsumbong. Favorite kasi kaya kahit pa-diva na walang magawa ang mga boss kasi malaki ang papel niya sa movie,” sumbong pa sa amin.

Mahilig pa raw makipag-inuman ang aktres dahil minsan daw ay dumating sa set na amoy-chico pero naka-make-up pero hindi naman alam ng mga katrabaho niya kung saan nanggaling.

Grabe, hindi pa sikat ay kakaiba na ang ugali ng aktres na ito, paano pa kaya kung kumita o mag-click itong pelikula niya?

https://bandera.inquirer.net/313558/pasaway-na-supporting-actor-biglang-tsinugi-sa-pelikula-dahil-sa-sobrang-kaartehan

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/299640/aktres-iwas-iskandalo-kaya-binura-ang-ig-account-baka-itigil-ang-suporta-ng-dyowang-aktor
https://bandera.inquirer.net/299730/sylvia-super-proud-pa-rin-kahit-hindi-nagwagi-sa-asian-academy-for-creative-arts-2021

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending