Mark Herras inatake ng depresyon nang sunud-sunod na mamatay ang mga magulang, lola at tiyuhin; kinuwestiyon si Lord | Bandera

Mark Herras inatake ng depresyon nang sunud-sunod na mamatay ang mga magulang, lola at tiyuhin; kinuwestiyon si Lord

Ervin Santiago - July 03, 2022 - 06:44 AM

Nicole Donesa, Mark Herras at Baby Corky

“WHY God? Ano po ba ang plano Ninyo sa akin?”

Ito ang tanong ng Kapuso actor-dancer na si Mark Herras kay Lord noong nagsunud-sunod ang pagdating ng mga pagsubok na hinarap niya sa buhay.

Inamin ng aktor na nakaranas din siya ng matinding depresyon noong pumanaw ang kanyang tatay at nanay, pati na rin ang tiyuhin niyang malapit din sa kanya.

Noong panahon na yun, inakala niyang wala nang kuwenta ang kanyang buhay kaya talagang kinuwestiyon niya ang plano ng Diyos.

“Namatay ‘yung lola ko, then my dad, then my mom, then my tito. Sunod-sunod sila eh. 2011 si lola, 2014 is my dad. After two years my mom, then after six months my tito,” ang kuwento ni Mark sa panayam ng “Mars Pa More.”

Pagpapatuloy pa niya, “Hindi ako nakapag-mourn nang maayos. Kasi magmo-mourn pa lang ako sa daddy ko, namatay na ‘yung mom ko.

“Tapos after ng six months namatay ‘yung tito ko. Parang, paano ako magmo-mourn?” lahad ng aktor.
Dito na inamin ni Mark na inatake siya ng matinding depression, “Sobra. Pero matatag pa rin ‘yung paninindigan ko sa buhay. Kasi siguro kung iba ‘yan, baka, alam mo na,” aniya pa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Nicole Kim Donesa-Herras (call me Ico) (@nicole_donesa)


Feeling ni Mark, nawalan na ng direksiyon ang buhay niya kaya hindi na rin niya iniisip ang kanyang kinabukasan at naging bulagsak din sa paggastos ng kinikita niya.

“Talagang nandoon pa rin ako sa parang… ‘Bahala na, gagawin ko ito.’ Walang direksiyon. Na parang, sige magtatrabaho ako, pero ‘yung pera ko, after it, one-day millionaire lang ako na, ‘Wala naman akong pakialam eh, kasi ano pa ang purpose ko sa buhay, ‘di ba?'”

“Kasi before I joined Starstruck, sinasabi ko sa kanila, ‘Bakit ka nag-showbiz?’ ‘Just to help my family.’ Siyempre nandiyan pa rin ‘yung mga pinsan ko, ‘yung mga tita ko.

“Pero ‘yung mismong pamilya ko na core, wala na. So parang nawalan ako ng direksiyon sa buhay, ano pa ang dapat kong gawin?” lahad pa ni Mark.

Kinuwestiyon din niy noon ang Diyos, “Na-witness ko ‘yung apat na pangyayari sa buhay ko na ‘yun na, nasabi ko nga, ‘Ano pa po ba ang plano Niyo sa akin?’ Lahat tayo kinukuwestiyon natin ‘yun, eh.

“Before, ang lagi kong tinatanong, ‘Why God? Ano po ba ang plano Ninyo sa akin?’

“Noong time na ‘yun kinokontra ko Siya, sabi ko ‘Parang mali eh, hindi Niyo dapat kinuha sa akin, eh,'” sabi pa niya.

Kaya naman abot-langit ang pasasalamat ni Mark nang dumating sa buhay niya ang asawang si Nicole Donesa pati na ang anak nilang si Corky.

“Ang tagal ng turning point. Actually sa totoo lang noong dumating sa akin ‘yung bago kong naging pamilya, si Nicole and si Corky.

“Ngayon, ito pala ‘yung purpose ko. Para matuto ako sa buhay, to be a responsible dad sa anak ko, to be a better father, a better partner sa wife ko,” sabi pa ni Mark.

“Talagang ngayon, every time may ibinibigay sa akin na project o trabaho ang GMA, talagang… ‘Bakit ka nagtatrabaho?’ ‘Para sa pamilya ko, para sa asawa ko, para sa anak ko.’

“Kung na-experience ko man na mahirapan sa buhay kahit nag-a-artista ako, ayokong ma-experience nila,” dagdag pa ni Mark.

https://bandera.inquirer.net/294544/mark-herras-sa-pag-alis-sa-poder-ni-lolit-solis-bilang-talent-kasi-nadamay-na-ang-anak-ko

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/293556/wish-ni-lolit-kay-mark-sanay-magseryoso-na-sa-buhay-ngayong-kasal-na
https://bandera.inquirer.net/284415/rabiya-handa-nang-pasukin-ang-showbiz-tuloy-ang-pagtulong-sa-madlang-pipol

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending