Hugot ni Agot Isidro: I truly hope you will learn from the decisions you’ve made

Hugot ni Agot Isidro: I truly hope you will learn from the decisions you've made
MAY makahulugang post ang aktres na si Agot Isidro kasunod ng naganap na inagurasyon ni Pangulong Bongbong Marcos noong Huwebes, June 30.

Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi niya ang kanyang saloobin hinggil sa naging resulta ng nagdaang national elections kalakip ang sketch ng bandila ng Pilipinas.??

“You know that I will always care for you. And love you. And fight for you.

“But… you have to figure out what is good for you. So for now, I will care, love and fight for me and my loved ones first. I will quietly do the work for causes I believe in,” saad ni Agot.

Isa ang aktres sa mga naging taga-suporta ng tambalang Leni-Kiko sa nagdaang eleksyon kung saan tumakbo bilang presidente at bise presidente ang dalawa, respectively.

Bagamat tanggap na nito ang naging resulta ng eleksyon kung saan nanalo si President Bongbong Marcos at Vice President Sara Duterte ay hindi pa ring maiwasang masaktan ni Agot sa naging desisyon ng ibang mga Pilipino.

Umaasa naman ang aktres na sana ay matuto na ang mga Pilipino sa mga naging desisyon nito.

Dagdag pa nito, “I truly hope you will learn from the decisions you’ve made. Till then… Good luck [Philippines].”

Marami naman ang nakisimpatya at sumang-ayon sa naturang post ni Agot.

“I am as heart broken as you. We will continue to do good when and where we can. That’s how we help the country,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Caption is so heartwarming and heartbreaking all in one…i love it and crying after each sentence. Thank you Ms.Agot for the ideals and principles you hold dear.

“Isang bahagi ng puso at isip ko ay nagsasabing ‘ang hirap na yatang mahalin at ipaglaban’ but still have Faith in The Divine Wisdom.”

I have the same sentiments with you Ms. Agot. And yes..our Family first. The country will struggle on its own,” hirit naman ng isa.

Related Chika:
Agot sa mga beki at lesbian: Kung nirerespeto mo ang sarili mo rerespetuhin ka rin ng ibang tao

Agot: Kailangang pinupuna ang injustices at social issues na taliwas sa dapat mangyari…itama lang natin

Read more...