HINDI na nakapagpigil ang aktres na si Geneva Cruz na sagutin ang isang netizen na tumawag sa kanyag “trying hard”.
Ibinahagi ng aktres ang screenshot ng komento ng netizen sa kanyang Facebook account maging ang reply niya rito.
“I’m not sure if I should block you because you’re the one who’s trying too hard to shame me when all I did was dance, when you’re the one wearing sunnies indoors, so I don’t know. SMH [shaking my head],” saad ni Geneva.
Aniya, dapat daw sana ay imbes na batikusin siya ay dapat magpakita na lamang ang netizen sa kanya bilang kapwa babae.
“Making them feel bad does not make you prettier or COOLER; it is a reflection of how bad you feel about yourself.
“I wish you happiness and enlightenment in life. Take care, you and the two others who liked you comment, which probably made by you as well,” dagdag pa ni Geneva.
Nilinaw naman ng aktres na hindi pamamahiya ang ginawa niyang pagpo-post sa mga negative comments ng netizen.
Isa lamang daw itong awareness para naman tumigil ang mga bashers sa mga pambabatikos at pambabastos ng mga ito.
“Understand me, ha, I don’t do this to shame the shamers… I do this so that they can stop doing this to other people on the internet,” sey ni Geneva.
Pagpapatuloy niya, “When you expose yourselves in a hateful manner, you are only hurting yourselves. Be loving and be kind, para ang balik sa inyo maganda rin.
Chika pa niya, hindi naman daw niya pinapakialaman ang mga ito sa mga ginagawa nila sa buhay kaya dapat ay huwag rin itong mangialam sa trip niya.
“Walang weight yung opinion mo sakin kasi that’s old news… you will continue to dig holes with what you’re doing. Don’t be a bully, or you will be bullied. Be kind, and people will be kind to you as well.
“Let us all educate these humans para sa kanila rin yan.Have a wonderful day, everyone!!!” hirit pa ni Geneva.
Related Chika:
Geneva Cruz pa-yummy pa rin sa edad na 46; ibinandera ang sikreto sa batang-batang itsura
Geneva ipina-tattoo sa braso ang pangalan ng yumaong ina; anak kay Paco 26 years old na
Nanay, kapatid ni Geneva tinamaan din ng COVID; pamilya humiling ng dasal at tulong pinansyal