Donnalyn nilinaw na hindi kinasuhan si Jose Hallorina: Paano mo ko ako matatalo sa korte?

Donnalyn nilinaw na hindi kinasuhan si Jose Hallorina: Paano mo ko ako matatalo sa korte?
PINABULAANAN ng actress-vlogger na si Donnalyn Bartome ang kumakalat na balitang natalo siya sa kaso laban kay Jose Hallorina.

Sa kanyang Facebook account ay naglabas siya ng pahayag ukol sa kumakalat na chika kalakip ang screenshot ng vlog ng YouTuber na diumano’y kinasuhan daw niya.

“Luh baliw kana. Hindi naman kita dinemanda paano moko matatalo sa korte? Kwentong barbero yarn? Balakajan koya. Mag content ka [namg] maayos wag puro panggagamit ng name ko po please,” saad ni Donnalyn.

Ang sinasabing kaso ni Jose ay may kinalaman sa namayapang kamag-anak ng dalaga na si Nanay Josie.

Pagpapatuloy ni Donnalyn, “Pagkatapos niya magsinungaling na natalo daw niya ako sa kaso kahit hindi ko siya dinemanda.. NANGHINGI SIYA NG DONATIONS.”

“Nagamit na naman pangalan ko para makalikom ng pera. Dapat di nako magko-comment pero need ko po mag-inform para walang maloko sa pera. Ginagamit niya credibility ko to get money.”

Kahit daw sabihin na ire-report sa government ang lahat ng malilikom na donasyon, paano raw maniniwala ang mga tao gayong private account ang gamit nito.

Chika pa ni Donnalyn, “Walang karapatan govt diyan. i-Trust ka nalang? Misleading nga video mo hindi naman kita dinemanda tapos natalo mo ko? Dun palang sinungaling ka na, paano pa sa lahat ng mga sinabi mo in the past?

“Binabaliko niya mga totoong nangyari tapos dinedelete comment niya mga nagsasabi ng totoo. Wag niyo po sana bigyan ng pera ‘to.. revealed na revealed ang habol niya from the very start.”

Sey pa niya, ayos lang naman sa kanya ang tumulong pwro sana raw ay huwag naman siyang siraan dahil may mga kapatid pa siyang may kailangan sa kanya.

“Lahat ng nanira saakin sa buong lifetime ko was eventually proven wrong because LIES HAVE SPEED BUT TRUTH HAS ENDURANCE.

“If Johnny Depp waited for 6 years for the truth to come out, then I too will be patient,” hirit pa ni Donnalyn.

Related Chika:
Donnalyn gumawa ng Filipino version ng ‘Squid Game’

Donnalyn trending uli sa socmed; isyu sa kapwa vlogger mauwi nga kaya sa demandahan?

Tekla, Marco, Donnalyn nagkapikunan dahil sa ‘P1M pool challenge’, may nandaya nga ba?

Read more...