Alexa Ilacad itinama ang grammar ng netizen, sinabihang magbawas ng timbang

Alexa Ilacad itinama ang grammar ng netizen, sinabihang magbawas ng timbang

PASIMPLENG sinupalpal ng Kapamilya actress na si Alexa Ilacad ang kanyang basher.

Sinubukan kasi ng aktres na makipagkulitan sa kanyang mga followers sa pamamagitan ng pagse-send sa kanya ng mga anonymous messages.

Marami sa kanyang mga supporters ang game na game at nagpadala ng mga positibong mensahe sa dalga ngunit hindi talaga maiiwasan na makatanggap siya ng negatibong komento.

Mensahe ng netizen kay Alexa, “please try to loose weight…” na agad namang itinama ng dalaga at sinabing “lose” dapat ang termino at hindi “loose”.

Maaari rin namang maganda ang intensyon ng netizen sa kanyang payo sa dalaga pero may ilan na nagsasabing baka sarcastic lamang ito lalo na’t isa sa mga insecurities ni Alexa ay ang kanyang katawan na inamin niya noong nasa loob pa siya ng Bahay Ni Kuya.

Na-diagnose noon ang aktres ng Body Dysmorphic Disorder o BDD. Ang BDD ay isang mental condition kung saan ang isang tao at palaging nag-aalala kung ano ang kanyang itsura.

“I was never the thin type. My body type was different from all the other girls. That made me hate myself. I tried all kinds of diets and workouts, everything.

“I’ve been told so many things like, ‘Hindi ka kinukuha sa ganitong show kasi mataba ka,’ ‘Kayo ng love team mo, mukha kayong number 10, ikaw yung 0,’ so maybe just having had to go through that for so long led to this,” pagbabahagi ni Alexa.

Dagdag pa niya, “It’s like a wound in my heart that never heals and when you touch it, you can feel how painful it is.

Ngunit marahil ngayon ay mas matatag na si Alexa sa ganitong mga eksena at pangyayari sa kanyang buhay artista.

Base na rin sa nagdaang panayam ng Bandera sa kanila ng kanyang ka-love team na si KD Estrada, kung noon ay malaki ang epekto sa kanya ng mga negatibong pahayag ng mga netizens, ngayon ay mas pinipili na lang niyang wag na itong pansinin. May mga naging paraan na rin siya upang makaiwas sa mga bashers.

“I learned na how to use social media better like sa Twitter hindi na ako nakakatangga ng notifications sa mga hindi ko pina-follow. Instagram, hindi na ako nakakatanggap ng DM (direct message), you can filter certain comments, mute certain words.

“For me it’s not a childish thing to do, it’s for your peace of mind,” sey ni Alexa.

Related Chika:
Alexa Ilacad tinutukso sa 3 lalaki: Ang ganda ko, ‘di ba? Ang haba ng hair ko!

Alexa Ilacad, KD Estrada sa posibilidad na maging ‘dyowa’: The intent is there

Read more...