Kris binatikos sa suot na pearl necklace, Lolit rumesbak: Panlaban sa sakit at mga negativity sa buhay ang alahas na perlas

Kris binatikos sa suot na pearl necklace, Lolit rumesbak: Panlaban sa sakit at mga negativity sa buhay ang alahas na perlas

USAP-USAPAN pa rin hanggang ngayon ang Queen of All Media na si Kris Aquino matapos itong magbigay ng update ukol sa kanyang kalusugan kahapon, June 30.

Kasalukuyang nasa Amerika ang Queen of All Media kasama ang kanyang dalawang anak na sina Josh at Bimb pati na rin ang kanilang mga pinagkakatiwalaang team.

Ayon sa kanyang update ay nagpositibo silang mag-iina sa COVID-19 kung saan ang panganay na si Josh ang unang tinamaan.

Kapansin-pansin rin ang pagpayat ni Kris ngunit may mga netizens na mas piniling mang-nega at sa halip na ipagdasal ito ay binatikos ang TV host-actress dahil sa suot nitong pearl necklace.

Agad namang itong nilinaw ng isa kanyang mga kaibigan at talent manager na si Lolit Solis.

“Marami nagri react duon sa suot ni Kris Aquino na pearl necklace, Salve. Akala ng iba, bakit maysakit na, naka south sea pearls pa na gamit sa loob ng bahay. Hindi nila alam na may feng shui na nagsabi kay Kris Aquino na panlaban sa sakit at mga negativity sa buhay ang alahas na perlas,” saad niya.

Pagpapatuloy pa ni Lolit, “Dahil ang pearl lang daw ang jewelry na buhay o may life kaya ito lang ang puwede absorber ng ating katawan.

“Kaya dahil naniniwala dito si Kris [ay] lagi siyang may suot na isang pearl jewelry araw araw, be it necklace, ring, pendant o bracelet,” pagpapatuloy niya.

“Si Kris talaga believer ng mga feng shui at oriental medication kaya naman traditional ang kanyang mga paniniwala. Maganda nga na lahat ng sinasabi sa kanya tungkol sa medical procedures o bagay ginagawa niya at sinusunod, dagdag pa ni Lolit.

Sa separate post rin ng talent manager ay ibinahagi nito ang lubusang pagpayat ng kaibigan.

“Sobra naman iyon pagka payat ni Kris Aquino sa mga photos na lumabas lately, Salve. Talaga siguro hindi nakayanan ng katawan niya ang pinagda daanan niyang sakit, dagdag pa na nagka covid silang mag ina nila Joshua at Bimby.

“Talagang parang nagkasabay sabay [ang] pagsubok sa pamilya Aquino kaya naman talagang kailangan nila ang dagdag na dasal. Idagdag mo pang nasa US sila, malayo sa mala lapit na mahal nila na madaling matulungan sila kung sakali,” ani Lolit.

Hiling naman niya na sana ay malagpasan ng pamilya Aquino ang lahat ng pagsubok na pinagdaraanan ng mga ito.

“Sana naman bumuti na ang kalagayan nila Kris, Joshua at Bimby. Malagpasan sana nila lahat ito. Emotionally makayanan sana ni Kris dahil as a mother talaga iisipin mong mas mabuti pang ikaw ang may sakit huwag lang ang mga anak mo. Just be strong Kris, FIGHTING.

“Basta all prayers for the Aquino, Kris, Joshua and Bimby. Gagaling sila at magiging healthy , dahil marami ang nagmamahal sa kanila. More prayers please,” sey ni Lolit.

Related Chika:
Kris Aquino may secret admirer daw, sey ni Lolit: Baka ito na ang ibinigay sa kanya ng mga guardian angels

Bakit hindi suot ni Chito ang wedding ring niya, para maka-chicks pa?

Paulo, Janine unti-unti nang umaamin sa relasyon; may pa-dyowa reveal na pag-uwi ng Pinas?

Read more...