WATCH: Dating Pangulong Duterte, hinimok ang taumbayan na suportahan si Pres. Marcos

President Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. at Dating Pangulong Rodrigo Duterte

President Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. at Dating Pangulong Rodrigo Duterte

AGAD na nagtungo sa Greenbelt, Makati si dating Pangulong Rodrigo Duterte matapos mailipat ang kapangyarihan kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Nakasuot pa ng barong ang dating Punong Ehekutibo nang mamataan sa Greenbelt.

Matatandaang paboritong pasyalan ni Duterte ang Greenbelt tuwing bumibili ng relo.

Kasabay nito, hinimok ng dating pangulo ang taumbayan na suportahan si Marcos.

“Let us give all our support to the new administration. Tulungan natin sila. Tulungan natin sila,” pahayag ni dating Pangulong Duterte.

Ipinagmalaki pa nito na magagaling ang kanyang mga napiling miyembro ng Gabinete.

“Well, I think, sa, I am a student of government. Alam mo matagal ako sa gobyerno. I think I assembled one of the best Cabinet… Totoo. Piling-pili ko,” aniya pa.

Narito ang pahayag ni Duterte:

Maki-balita:

President-elect Bongbong Marcos tuloy ang pagba-vlog

SolGen Jose Calida itinalaga bilang bagong COA chairman

Juan Ponce Enrile tinamaan ng COVID-19: I’m not gonna die yet

Read more...