Tadhana ni Fuschia Anne Ravena ang maging Miss International Queen—Rodgil Flores

Tadhana ni Fuschia Anne Ravena ang maging Miss International Queen—Rodgil Flores

Miss International Queen Fuschia Anne Ravena ng Pilipinas/SCREENSHOT

ITINADHANA kay Fuschia Anne Ravena ang korona bilang Miss International Queen, ayon ito sa kanyang mentor, ang beauty queen-maker na si Rodgil Flores ng tanyag na Kagandahang Flores (KF) beauty camp.

“I believe she was really destined to win. She had that combination of beauty, skills, and most of all she has that drive, determination that pushed her to give her all to bring back the Miss International Queen crown to the Philippines,” sinabi ni Flores sa Inquirer sa isang online interview.

Si Rodgil Flores ng ‘Kagandahang Flores’ beauty camp ang nagsanay kay Fuschia Anne Ravena./ARMIN P. ADINA

At para kay Flores, isang “fitting gift for us Pinoys as we celebrate Pride Month” ang pagkakapanalo ni Ravena.

Ang Miss International Queen ang pangunahing international beauty pageant para sa transgender women. Si Kevin Balot ang unang Pilipinang nagreyna nang magwagi siya noong 2012. Sinundan siya ni Trixie Maristela noong 2015.

 

 

Sa katatapos na patimpalak na idinaos sa Pattaya, Thailand, dinaig ni Ravena ang 22 iba pang kalahok para sa korona. Pumangalawa si Jasmine Jimenez ng Colombia, at pangatlo naman si Aela Chanel ng France.

Nilarawan ni Flores si Ravena bilang pasensiyosa. “She stayed in Quezon City for two months for her training, and she would walk from her place to the camp. Even if she was tired because of various activities, she would still religiously attend trainings,” ibinahagi niya.

Kinutuban na si Flores na maaaring magwagi si Ravena habang tinuturuan niya ang reyna.

“Aside from her arresting beauty and presence, she came really prepared for the competition. And most especially she has a good heart, talagang mababa ang loob. Napakabait na bata,” ani Flores.

Related Chika:
Cebuana transgender Fuschia Anne Ravena waging Miss International Queen PH 2022

Fuschia Anne Ravena itinanghal bilang International Queen 2022

Read more...