Cebuana transgender Fuschia Anne Ravena waging Miss International Queen PH 2022
Fuschia Anne Ravena
ITINANGHAL na kauna-unahang Miss International Queen Philippines 2022 ang proud Cebuana na si Fuschia Anne Ravena.
Mula sa 26 transgender candidates, si Fuschia ang nakaagaw ng atensyon ng mga hurado sa naganap na grand coronation nitong nagdaang March 6 sa SMX Convention Center sa Pasay City.
Ang Miss International Queen ay ang itinuturing ngayong world’s largest transgender competition na ginaganap sa Pattaya, Thailand.
At si Fuschia nga ang magiging official representative ng Pilipinas sa next edition ng Miss International Queen.
“It was a challenge to keep my focus but still, the show must go on and I have to put up a smile, stay strong and have faith in my creator,” ang mensahe ni Fuschia.
Kinoronahan namang first runner-up si Anne Patricia Lorenzo habang second runner-up sa nasabing transgender beauty pageant si Shane Lee Ann.
View this post on Instagram
Matatandaang ilang beses na ring naging bahagi ang Pilipinas sa Miss International Queen sa Pattaya, Thailand.
Una na riyan si Kevin Balot na nag-represent sa Pilipinas noong 2012 na sinundan ni Trixie Maristela noong 2015 na parehong nakapag-uwi ng korona sa nasabing transgender beauty pageant.
Ang reigning Miss International Queen na si Valentina Fluchaire ng Mexico ang magpapasa ng korona sa mananalong Miss International Queen na gaganapin sa June 25, sa Pattaya, Thailand.
https://bandera.inquirer.net/291260/paulo-gaganap-sanang-transgender-sa-pelikula-pero-hindi-natuloy-sayang-talaga
https://bandera.inquirer.net/284684/chr-mag-iimbestiga-sa-pagkasawi-ng-isang-transgender-sa-qc
https://bandera.inquirer.net/294558/tracy-perez-waging-miss-world-ph-2021-bangon-agad-matapos-matumba-sa-first-walk
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.