PINASOK na ni Aditya Khurana ang pag-awit at pag-arte sa India, ngunit lilipat siya sa Pilipinas makaraang masungkit ang titulo bilang Man of the World upang patuloy pang isulong ang kahalagahan ng edukasyon.
“Education is really important, after COVID, especially for those below the poverty line. My advocacy in India, I will bring to the Philippines,” sinabi ni Khurana sa isang post-coronation press conference sa Holiday Inn Express sa Newport City sa Pasay City noong Hunyo 20.
Tinanggap niya ang titulo mula kay 2019 Man of the World Jinkyu Kim ng Korea makaraang daigin ang 21 iba pang kalahok sa pagtatanghal na idinaos sa Baguio Convention Center sa Baguio City noong Hunyo 18. Kasama niya sa post-event conference ang mga runner-up na sina Vladimir Grand ng Ukraine, Nadim Elzein ng Pilipinas, at Tjardo Vollema ng Netherlands.
Nakauwi na sa Vietnam ang fourth runner-up na si Nguyen Huu Anh kaya hindi siya nakasali sa pagtitipon.
“I am planning to shift to the Philippines to continue my advocacy,” ani Khurana, nilinaw na sarili niyang pasya ang paglipat at hindi siya hinimok ng organayser o ng pangkat niya sa India.
Nakauwi na siya upang makapiling ang pamilya sa pagdiriwang ng kaniyang pagkapanalo, ang una para sa India.
Sinabi naman ni Carlo Morris Galang, pangulo ng organayser na Prime Event Productions Philippines (PEPPS) Foundation, na magbubukas ng bagong kabanata ang patimpalak makaraan ang dalawang-taong pahingang bunsod ng pandemyang bunga ng COVID-19.
“Aditya and his court will be more visible in charity works, especially in education,” aniya.
Isinusulong ng Man of the World and edukasyon, at sinabi ni Galang na magsisilbing youth ambassadors ang mga nagwagi. “They should be role models to the young generation,” dinagdag niya.
Hinayag din ni Galang na pormal nang nagsimula ang aplikasyon ng mga lisensya sa iba’t ibang bansa para sa ika-limang edisyon ng Man of the World pageant.
At nakatakda na ring magsimula ang pagtanggap ng PEPPS mga aplikante para naman sa Misters of Filipinas, ang pambansang patimpalak na pumipili sa kinatawan ng Pilipinas para sa Man of the World at iba pang mga pandaigdigang patimpalak para sa mga lalaki.
Related Chika:
Indian model-actress na si Harnaaz Sandhu waging 2021 Miss Universe